#Magkaalaman na: Erich Gonzales niligawan nga ba noon ni Mario Maurer? | Bandera

#Magkaalaman na: Erich Gonzales niligawan nga ba noon ni Mario Maurer?

Ervin Santiago |June 30,2021
facebook
share this

#Magkaalaman na: Erich Gonzales niligawan nga ba noon ni Mario Maurer?

Ervin Santiago - June 30, 2021 - 09:06 AM

SINAGOT na ng Kapamilya actress na si Erich Gonzales ang tanong kung totoo nga bang niligawan siya noon ng Thai actor na si Mario Maurer.

Nagkasama ang dalawa sa pelikulang “Suddenly It’s Magic” ng Star Cinema at may mga chika nga na naglabasan that time na nagkaroon daw sila ng “something” habang sinu-shoot ang kanilang movie.

“False ‘yan talaga,” ang agad na sagot ng dalaga tungkol sa panliligaw umano sa kanya ni Mario.

Sumalang kasi si Erich sa Q&A session ng “Magandang Buhay” kung saan sinagot niya ang ilang assumptions ng mga tao about her.

Kuwento ni Erich, magkikita sana sila ni Mario pati ng ibang kaibigan nila dito sa Manila pero hindi raw natuloy dahil sa COVID-19 pandemic.

“Sabi ko sa vlog, gusto nilang pumunta roon sa magandang beach talaga. 

“Sabi ko ako ang tour guide nila pero hindi pa natuloy pero itutuloy natin ‘yan. Mario ha, keep in touch pa rin, siya at ‘yung team niya,” pahayag pa ng aktres.

Nakilala na rin daw niya ang nanay at kapatid na lalaki ng Thai superstar na si Marco Maurer. Si Erich pa nga ang nagdirek ng music video ni Marco na kinunan dito sa Pilipinas.

“‘Yung brother, noong mayroon siyang ni-release na kanta nakiusap lang siya na idirek ko raw. So ‘yung ‘Won’t Let You Go’ ni Marco Maurer, sinyut natin ‘yan sa Manila actually. They went here,” chika ni Erich.

Samantala, ang co-star naman ni Erich sa “La Vida Lena” na si Sofia Andres ang sumagot sa isa pang assumption ng mga tao tungkol sa aktres na suplada raw siya sa totoong buhay.

“She’s very nice. Like parang ate na ate. She saved me from a lot of things. Siya ‘yung adviser ko sa taping. So I just listen to her.

“She’s the sweetest and she’s genuine. What you see is what you get. Unang-una talaga takot na takot ako sa kanya. Marami rin talagang mga tao ‘di maiiwasan ‘yung mga assumption na ganyan but yeah I love her,” pagpapatunay ni Sofia.

Napapanood na ang “La Vida Lena” sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z Channel 11, TV5 at iWantTFC, Lunes hanggang Biyernes, tuwing 10 p.m..

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kasama rin sa serye sina Carlo Aquino, JC de Vera, Kit Thompson, Janice de Belen at Agot Isidro, sa direksyon nina Jojo Saguin, Andoy Ranay at Jerry Lopez Sineneng.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending