Daniel Miranda namanhikan na sa pamilya ni Sofia Andres?

Daniel Miranda namanhikan na sa pamilya ni Sofia Andres?

Reggee Bonoan - November 28, 2024 - 09:00 AM

Daniel Miranda namanhikan na sa pamilya ni Sofia Andres?

Sofia Andres, Daniel Miranda at Zoe kasama ang kanilang mga pamilya

NAMANHIKAN na nga ba si Daniel Miranda sa magulang ng kanyang longtime partner na si Sofia Andres?

Sa larawang ipinost ni Sofia sa kanyang Facebook account nu’ng isang araw ay katabi niya sa sofa ang inang si Gng. Monette Andres, pati ang magulang ni Daniel na sina Angelique Lhuiller at Martin Miranda.

Nakahiwalay naman ng upuan ang ama ng anak ng aktres. Ang caption ni Sofia ay, “Mi familia.”

Kaya namin nabanggit kung namanhikan na ang pamilya Miranda sa Andres family ay dahil naalala namin ang mga larawang ipinost ni Sofia sa kanyang Instagram account noong Nobyembre 13 kung saan nakasakay siya sa kabayo na nakalubog sa tubig at nakasuot ng puting damit.

Si Daniel naman ay hawak ang tali ng kabayo at nakalubog din sa tubig na parang prenup pictorial.

Baka Bet Mo: Sofia Andres in-unfollow si Daniel Miranda sa Instagram, hiwalay na nga ba?

Pero nang binasa namin ang komento ng netizens at mga kakilala nina Sofia at Daniel ay tila pictorial ito para sa isang produkto at wala naman kaming nabasang may kinalaman ito sa prenup shoot.

Anyway, naisip din naming baka blessing ng bahay ni Sofia at inimbita niya ang magulang ng tatay ng anak niyang si Zoe dahil may larawan ding magkakasama silang kumakain sa mahabang dining table at may pagkain naman na nakahiwalay sa console table.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SOFIA 🛸 (@iamsofiaandres)


Siyempre gusto ring ipagmalaki ng aktres ang bahay na matagal niyang pinangarap para sa pamilya niya kaya naman pinag-ipunan niya ito.

Ang caption niya noong una niyang i-post na tapos na ang bahay niya ay, “I can now call this my home. Sweat, blood, and tears.”

Samantala, masaya ang netizens sa larawang ibinahagi ni Sofia sa kanyang FB account at ang ilan sa mga nabasa namin ay may nagsabing pamamanhikan na.

“Beautiful family!”

“Happy family. God bless.”

“Wow!  Nice Seeing you all together! Happy Family.”

“Pamamanhikan na cguro (emojis heart).

“Stay in love Sofia.”

“Elegante ng bahay. Nakaka proud bilang anak, makapag provide ng ganyang kalaking bahay sa fam.”

“Pamamanhikan na ba?”

“When are you gonna get married????”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Wait na lang kami kung ano ang follow-up post ni Sofia tungkol sa mga larawang magkasama ang pamilya nila ni Daniel.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending