Sofia Andres na-‘trauma’ sa pagtataksil ng stylist, Max Collins damay sa isyu?
FOLLOW-UP ito sa nasulat naming dito sa BANDERA noong October 28 tungkol sa pagkalas ng aktres na si Sofia Andres sa stylist niyang si Steph Aparici.
Naunang ibinandera ni Sofia sa kanyang Instagram na, “After much consideration, l’ve decided to part ways with my current stylist that I also treated as my family- Ms. Steph Aparici. It was a hard decision but l’m excited to explore new opportunities and styles moving forward
“I’ve never experienced anything like this before. It’s a reminder to be cautious-business is business, nothing personal. And I’m learning to trust my instincts.
“To all the brands that I’ve worked with through her; or sent some pieces that didn’t reach me or I haven’t posted, pls feel free to email me directly!
“All love! XOXO.”
Baka Bet Mo: Sofia mas naging ‘better person’ mula nang maging nanay; Juday, Echo eeksena sa GMA
At dahil dito ay nag-reach out sa kanya ang may-ari ng Amberlyn Cakes at ikinuwento kung ano naman ang experience niya sa nasabing stylist.
Samantala, may post ulit si Sofia na hindi naman niya pinangalanan na kung sino pinityuran niya in black background ang mensahe sa kanya.
“Pero she gave terms before na advance payment then she gave amount. Then when we ask if the check will be under your name sa kanya na lang daw.”
At ang caption ni Sofia sa post niya, “This will be last that I will be talking about this. It’s really painful for me because I have treated my friends as family. My friends will know that… I will really fight for them to death no matter how it will affect me. Yung mga taong tinulungan mo from the very start….
“Mga taong akala mo nagmamahal sayo ng totoo. Itinuring mong kapatıd, kaibigan. Iba’t ibang klase ng suporta nagawa mo na..
“It is also important to trust the vibe & not by blood. It will never be enough to people who are not genuinely happy for you. Iba’t Iba ang mga tao talaga… Life is not always fair but it’s still beautiful.
“God is still on my side & thank you Lord for the never ending support, the unconditional love, for protecting me & the blessings coming my way.”
Samantala, may follow-up report naman si Ogie Diaz sa “Showbiz Update” vlog nila ni Mama Loi kasama si Ate Mrena na mapapanood sa YouTube at may mga ipinakitang larawan na magkasama sina Sofia at ang dating stylist nitong si Steph Aparici.
Bungad ni Ogie, “Alam mo bang hindi lang si Heart Evangelista at Pia Wurtzbach ang nagkakaparinigan, maging si Sofia Andres at stylist niya rati na talagang super friends niya ‘to, ha na si Stephanie naloka na lamang daw (Sofia) at ito’y nakarating lamang sa atin ‘no.
“Naloka na lang daw si Sofia Andres kaya hayan oh, (pinakita ang IG post) sa IG, hayan naglabasan na ang ugat pala nito ay ‘yung stylist niya na ang pangalan nito ay Steph at naloka na lang daw itong si Sofia na wala nang kumokontak sa kanya.
“”Yun pala ‘yung Steph ang ginawa niyang ‘Sofia na bago’ ay si Max Collins (doon na siya nag-style, tanong ni mama Loi), oo at the same time binibigyan niya ng mga raket daw at mga endorsements na pinagkakatiwalaang brands kay Sofia ay nandoon na kay Max Collins.”
“Ay katulad ng kay Heart Evangelista na um-attend siya ng fashion shows,” sey naman ni mama Loi.
“Oo, tsaka ‘yung mga connections and contact numbers, ayun nandoon na kay Max Collins. Oo, ‘yan ang nakarating sa atin kaya maanong linawin ‘yan nu’ng Steph at ni Max Collins ‘no?” diin ni Ogie.
Habang nagre-report si Ogie ay ipinakikita ang mga larawang magkasama sina Max at Steph sa mga events at pinakita rin ang mga komento ng netizens sa post ng huli.
“Kung sakaling totoo ang claimed ng kampo ni Sofia Andres na kinuha ‘yung mga contacts at ang in-endorse na lang sa mga contacts ay si Max Collins ay hindi magandang ugali!
“Kung totoo man ‘yan katapusan na ng career ‘yun nu’ng Steph. Hindi magandang ugali ‘yan na ‘yung mga contacts ni Sofia ay ibibigay mo sa iba,” paliwanag ni Ogie.
“E, bakit daw ginawa ‘yun ng Steph ‘nay?” tanong ni mama Loi.
“’Yun nga nagtataka nga raw itong kampo ni Sofia Andres. Ano raw ba ang masamang pinakisama nila dito kay Steph para siya ay i-under? Or trabahuin sa ilalim. Kaya baka ang mag-away pa nito ay si Max Collins at Sofia Andres,” saad ni Ogie.
Hirit naman ni ate Mrena, “Kuya parang sina Pia nga at Heart.”
“Naku, do’n naman sa stylist (pinakita mga larawan ng stylist) kapag pinagkatiwalaan ka naman ng tao ‘wag mo naman sisirain.
“Sabi ng kampo sa akin ni Sofia na parang first time raw mangyari ‘yun kay Sofia kaya parang traumatized si Sofia. Inaakala niya na parang kapatid na niya,”sabi ni Ogie.
“Ganu’n talaga ‘nay kapag may betrayal of trust, nakaka-trauma talaga ‘yan!” katwiran naman ni mama Loi.
“E, parang magkasama pa sila sa Bible-bible study (Sofia at Steph). Tapos ito raw si Max Collins ay parang sinasabihan yata si Sofia ng, ‘sana ‘wag na lang siraan si Steph kasi nagta-trabaho lang naman ‘yung tao.’
“Sabi sa akin ng kamag-anak ni Sofia, ‘siya pa ‘yung playing victim si Steph kaya hindi nila alam kung ano ang kwento ni Steph kay Max kaya si Max pinagtatanggol naman si Steph.
“Anyway, bukas naman ang ating channel sa panig ni Max Collins, nu’ng Steph para hindi ka ma-judge anak ha at kay Sofia na rin kung ano ba ang totoo diyan.
“Kasi nagtatawagan daw ang mga brands kay Sofia Andres kasi kinukuha sa kanya ‘yung mga hiniram na clothes. Anong hiniram na clothes wala namang dumating, ‘yun pala diniretso raw nu’ng Steph kay Max Collins!” diin pa ni Ogie.
Tanong ni mama Loi, “Bakit siya (Sofia) ang tinatawagan?”
“Kasi pangalan daw ni Sofia Andres ang ginamit sa mga brands! Kaya nga tinatanong natin, totoo ba ‘yun Steph, Sofia at Max Collins,” panawagan ni Ogie.
Nasambit din ng SU host na hindi magandang ugali ang ginawa ng Stylist kay Sofia na itinuring siyang kapatid. Kung may paliwanag daw si Steph ay open ang channel nina Ogie at mama Loi at pakikinggan ang panig niya.
Anyway, bukas din ang BANDERA sa panig ni Stephanie Aparici tungkol sa isyu nila ni Sofia Andres.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.