Sofia mas naging 'better person' mula nang maging nanay; Juday, Echo eeksena sa GMA | Bandera

Sofia mas naging ‘better person’ mula nang maging nanay; Juday, Echo eeksena sa GMA

Ervin Santiago |June 22,2021
facebook
share this

Sofia mas naging ‘better person’ mula nang maging nanay; Juday, Echo eeksena sa GMA

Ervin Santiago - June 22, 2021 - 01:38 PM

NAPAKARAMING nagbago sa buhay ng Kapamilya actress na si Sofia Andres mula nang isilang ang anak nila ng kanyang non-showbiz partner na si Daniel Miranda.

Makalipas ang halos dalawang taon, patuloy pa rin ang pag-discover ng celebrity mom ng mga bagong kaalaman para sa pag-aalaga at pagpapalaki kay Baby Zoe.

“Ang daming changes. Ang laki ng pagbabago ko as tao, as nanay, as partner. Nakita ko yung sarili ko, parang I’ve become a better person and I’ so proud of myself,” ang pahayag ni Sofia sa nakaraang digital presscon ng Kapamilya drama series na “La Vida Lena” na pinagbibidahan ni Erich Gonzales.

“Lumaki yung pag-unawa ko. Parang iba kapag nanay na eh. Nandu’n yung alaga sa anak. Hindi lang sa anak, sa ibang tao, masayadong motherly ang thinking, ganyan,” lahad pa ng Kapamilya star.

Ayon pa sa first time mom, habang tumatagal ay unti-unti rin niyang natututunan ang ibig sabihin ng bawat ikinikilos ng kanyang baby kaya masasabi niya na kasabay niyang naggo-grow si Baby Zoe.

Samantala, wala namang issue kay Sofia kung puro kontrabida roles ang ginagawa niya ngayon, tulad nga ng karakter na ginagampanan niya sa bagong season ng “La Vida Lena” na mapapanood na sa free TV simula sa June 28.

Siya ang magiging mortal na kaaway ni Erich sa kuwento, “Parang lahat naman halos ng ginawa ko noon kontrabida. Siguro kasi pantay pantay lang naman yan.”

* * *

Matapos ang isang taon na work from home setup, reunited na sa wakas ang “Mars Pa More” hosts na sina Camille Prats at Iya Villania para sa kanilang inihandang fresh and star-studded episodes ngayong linggo.

Makikita sa behind-the-scene photos na kuha mula sa kanilang recent taping ang bagong outdoor setup nina Camille at Iya na well-ventilated at close to nature ang dating.

Talaga namang espesyal ang brand-new episodes dahil makakasama nila sina LJ Reyes, Gabby Eigenmann, Rodjun Cruz, Kokoy De Santos, Elijah Canlas, Maureen Larrazabal, Ian Red, at TikTok star na si Aling Nena.

Makikisaya rin para sa pagdiriwang ng birthday nina Camille at Iya sina Judy Ann Santos, Ryan Agoncillo, Jericho Rosales, Sanya Lopez at Alden Richards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kaya huwag magpahuli sa masayang chikahan at fun-filled activities na handog ng “Mars Pa More” this week, 8:50 a.m.  sa GMA7 at GMA Life TV.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending