Sofia Andres in-unfollow si Daniel Miranda sa Instagram, hiwalay na nga ba? | Bandera

Sofia Andres in-unfollow si Daniel Miranda sa Instagram, hiwalay na nga ba?

Therese Arceo |December 25,2022
facebook
share this

Sofia Andres in-unfollow si Daniel Miranda sa Instagram, hiwalay na nga ba?

Therese Arceo - December 25, 2022 - 01:42 PM

Sofia Andres in-unfollow si Daniel Miranda sa Instagram, hiwalay na nga ba?
USAP-USAPAN ngayon kung hiwalay na ba ang aktres na si Sofia Andres sa kanyang partner na si Daniel Miranda.

Napansin kasi ng mga netizens na tila naka-unfollow na ang aktres sa ama ng kanyang anak na si Zoe.

Isa pa sa mga nagpalala ng curiosity ng mga netizens ay ang pagpo-post ni Daniel ng larawan nila ni Zoe bilang Christmas greeting sa madlang pipol at kapansin-pansing wala ang aktres sa naturang litrato.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SOFIA (@iamsofiaandres)

Samantala, nang i-check naman namin ang IG account ng aktres ay tanging si Zoe lamang na nakaupo sa sahig na may malaking Christmas tree at mga regalo sa likuran ang ibinahagi niya at sa huling larawan ay magkasama na silang dalawa.

Kaya naman ang taong ng madlang pipol, may pinagdaraanan nga ba sina Sofia at Daniel? On the rocks na nga ba ang kanilang relasyon?

Sa kabila nito, marami pa rin sa mga netizens ang umaasang sana ay nagkatampuhan lang ang dalawa at magiging maayos rin ang lahat sa pagitan nila lalo na at may anak sila.

Bukas naman ang BANDERA para sa pahayag at paglilinaw nina Sofia at Daniel hinggil sa isyung ito.

Related Chika:
#SanaAll: Sofia Andres ipagagawa na ang dream house para sa pamilya

Joshua sinagip nina Kathryn, Daniel, Ria at Sofia habang ‘nalulunod’ sa kalungkutan

Sofia Andres ibinandera ang ‘special gift’, kaya raw basahin ang aura ng ibang tao

Sofia mas naging ‘better person’ mula nang maging nanay; Juday, Echo eeksena sa GMA

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending