Joshua sinagip nina Kathryn, Daniel, Ria at Sofia habang 'nalulunod' sa kalungkutan | Bandera

Joshua sinagip nina Kathryn, Daniel, Ria at Sofia habang ‘nalulunod’ sa kalungkutan

Ervin Santiago - September 08, 2021 - 09:10 AM

KABILANG sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa mga taong “sumagip” kay Joshua Garcia noong inaatake siya ng matinding kalungkutan.

Isang madamdaming appreciation post ang ibinahagi ng Kapamilya actor sa kanyang social media account para sa mga tunay niyang kaibigan na kailanman ay hindi siya iniwan sa ere.

Aniya, napakalaki ng utang na loob niya sa mga totoong friends niya sa showbiz na talagang naglalaan ng oras at panahon para sa kanya, lalo na noong may mga pinagdaraanan siya.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Joshua ng isang litrato habang nag-eenjoy sa dagat kasama sina Daniel, Kathryn, Ria Atayde, Sofia Andres, Daniel Miranda, Pat Sugui at Aeriel Garcia.

Aniya sa caption, “These beautiful people saved me from drowning in loneliness.” 

Ayon kay Joshua, napakahalagang magkaroon tayo ng support system na magbibigay ng inspirasyon, pagmamahal at tamang payo lalo na ngayong napakahirap ng buhay, idagdag pa ang patuloy na banta ng pandemya.

“Surround yourselves with positive energies during these times, my friends, because there are days in our lives that we all need to swim on our own.

“I am missing the sun and the gang,” ang mensahe pa ng magaling na aktor.

Sa comments section ng kanyang IG post, sinabi nina Kathryn, Ria at Sofia na miss na miss na rin nila ang kanilang grupo at talagang looking forward na silang magkasama-sama uli kapag bumalik na sa normal ang lahat.

“Same. I feel you. Def looking forward to more memories and moments with all of you,” ang pahayag ni Ria.

“Can’t wait for the next one,” komento naman ni Kath.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung matatandaan, noong medyo lumawag na ang community quarantine sa bansa, ilang beses na rin silang nagbakasyon nang sama-sama – mula sa pagsu-swimming sa beach, camping hanggang sa hiking.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending