Erich game na game makatambal uli si Mario Maurer: Yung friendship namin hindi nawala | Bandera

Erich game na game makatambal uli si Mario Maurer: Yung friendship namin hindi nawala

Ervin Santiago |June 17,2021
facebook
share this

Erich game na game makatambal uli si Mario Maurer: Yung friendship namin hindi nawala

Ervin Santiago - June 17, 2021 - 03:29 PM

HANGGANG ngayon ay nagkakausap at nagkukumustahan pa rin ang Kapamilya actress na si Erich Gonzales at ang sikat na Thai actor na si Mario Maurer.

Kuwento ng dalaga sa ginanap na digital mediacon kahapon ng ABS-CBN para sa teleserye niyang “La Vida Lena”, nananatili pa rin silang magkaibigan ni Mario.

Nagkasama ang dalawa sa pelikulang “Suddenly It’s Magic” na ipinrodyus ng Star Cinema at ipinalabas noong 2012.

At sa muli ngang pagharap ni Erich sa ilang members ng entertainment media at vloggers ay natanong siya kung may possibility pa bang magsama sila uli ng Thai superstar sa isang project.

“Kakakausap ko lang sa kanya kanina, nagkumustahan kami. I don’t know pero siyempre open tayo with that,” pahayag ni Erich.

Aniya pa, “Mario is a good friend. Nakakatuwa lang na kahit matagal na kaming nagkatrabaho sa aming movie na ginawa sa Thailand at dito ay nandoon pa rin ang communication, ‘yung friendship hindi nawala.”

Ngunit ayon sa dalaga, sa panahon ngayon ng pandemya ay baka raw medyo imposible pa itong mangyari lalo pa’t nasa magkaibang bansa sila ng Thai actor. Pero diin niya, game na game siyang makatrabaho uli ang binata.

Samantala, rarampa na nga si Erich para sa inaasama na hustisya upang patumbahin ang mga taong nang-api sa kanya sa teleseryeng “La Vida Lena.” 

Mapapanood na ito ng madlang pipol ngayong Hunyo 28 sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, at TV5, tuwing 10 p.m..

Kwento ito ni Magda (Erich), isang babaeng puro panlalait ang nakukuha sa iba dahil sa peklat na tumatakip sa kalahati ng kanyang mukha. Sa kabila nito, lumaki siyang mabuti, masipag, at mapagmahal sa mga kapamilya at kaibigan.

Dahil sa hangaring makatulong sa kapwa, makakaimbento si Lena ng isang sabong papatok sa buong bayan ng Salvacion dahil sa kakayahan nitong magpakinis ng kutis. 

Ngunit imbes na yaman ang makuha niya mula sa produktong ito, sunod-sunod na kamalasan ang matitikman niya mula sa mga Narciso, ang pinakamakapangyarihang pamilya sa bayan ng Salvacion.

Pagkatapos niyang tanggihan ang alok na ibenta ang formula ng sabon niya sa Royal Wellness, ang kumpanyang pagmamay-ari ng mga Narciso, sari-saring pagdurusa ang sasapitin niya sa kamay nila. Lolokohin at paiibigin siya para manakaw ang formula ng sabon niya, mawawalan ng mahal sa buhay, at magdurusa sa bilangguan.

Sa kabila ng matagal na paghihirap, makakaahon mula sa pagiging api si Magda at magbabagong-anyo siya bilang si Lena. Taglay ang bagong mukha ng karma, babalik si Lena sa Salvacion para maghanap ng hustisya at maghiganti sa mga sumira sa kanya.

Hanggang saan dadalhin si Lena ng kanyang paghihiganti? Kanino titibok ang puso ni Lena na napatigas ng kalupitan – si Jordan (Carlo Aquino), ang kababata niyang matagal nang may pagtingin kay Lena, si Adrian (JC de Vera), isang Narciso na paiibigin ni Lena, o si Miguel (Kit Thompson), ang lalaking nanloko at nakabuntis sa kanya noon?

Makakasama rin sa “La Vida Lena” sina Janice De Belen, Agot Isidro, Raymond Bagatsing, Sofia Andres, Christian Vasquez, Pen Medina, Ruby Ruiz, Soliman Cruz, Malou Crisologo, Josh Ivan Morales, Hasna Cabral, Danica Ontengco at Renshi De Guzman, mula sa direksyon nina Jojo Saguin, Andoy Ranay, at Jerry Lopez-Sineneng.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Huwag palampasin ang pagsisimula ng “La Vida Lena” ngayong Hunyo 28 sa Kapamilya Channel, A2Z, TV5, at Kapamilya Online Live sa YouTube channel at Facebook page ng ABS-CBN Entertainment. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending