Confirmed: Jeric Gonzales, Rabiya Mateo nagkabalikan makalipas ang ilang buwang hiwalayan | Bandera

Confirmed: Jeric Gonzales, Rabiya Mateo nagkabalikan makalipas ang ilang buwang hiwalayan

Ervin Santiago |February 16,2023
facebook
share this

Confirmed: Jeric Gonzales, Rabiya Mateo nagkabalikan makalipas ang ilang buwang hiwalayan

Ervin Santiago - February 16, 2023 - 12:03 PM

Confirmed: Jeric Gonzales, Rabiya Mateo nagkabalikan makalipas ang ilang buwang hiwalayan

Eric Gonzales at Rabiya Mateo

KINUMPIRMA na ng Kapuso actor na si Jeric Gonzales na nagkabalikan na sila ni Rabiya Mateo matapos maghiwalay nang ilang buwan.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, nag-post ang binata ng mga litrato nila ng aktres at dating beauty queen kasabay ng pagbati niya sa dalaga nitong nagdaang Valentine’s Day.

Pero bago ito, sa panayam ng “Fast Talk With Boy Abunda”, hindi pa hayagang sinabi ni Jeric na nagbalikan na sila ni Rabiya dahil nagpatumpik-tumpik pa ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jeric Gonzales (@jericgonzales07)


“Hindi pa po. Getting there,” ang maikling sagot ni Jeric nang matanong ni Tito Boy kung nagkabalikan na ba sila ni Rabiya.

“One to 10, nasaan? Ten being there,” sunod na question ni Boy. “Six” ang tugon ni Jeric.

Pero hindi nakuntento ang TV host sa sagot ng aktor, “Uulitin ko, one to 10… six lang ba o seven o eight?”

“Eight!” ang natatawang sabi naman ni Jeric.

Ngunit pagkatapos nga ng nasabing interview, lantaran nang inamin ni Jeric sa pamamagitan ng kanyang Instagram page ang real score sa relasyon nila ni Rabiya.

“Hindi pa siguro late para bumati? Happy Valentine’s my love Rabiya. I will and always love you!” ang nakalagay na caption sa kanyang IG post kalakip ang mga sweet moments nila ni Rabiya.

Nabalitang nag-break ang Kapuso celebrity couple noong June, 2022 nang i-unfollow nila sa Instagram ang isa’t isa.

Muling nagkita at nagkasama ang dalawa sa GMA Gala Night na ginanap sa isang hotel sa The Fort noong July 30, 2022. At ang pagkakaalam namin, dito na nagsimula ang part 2 ng kanilang love story.

Jennica, Alwyn sabay tinanong kung nagkabalikan na…pero magkaiba ang sagot

McCoy, Elisse nagbalikan bago magkapandemya; may 4 ‘magic word’ para sa LDR

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Barbie, Diego spotted na magkasama sa restaurant, nagkabalikan na nga ba?

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending