McCoy, Elisse nagbalikan bago magkapandemya; may 4 'magic word' para sa LDR | Bandera

McCoy, Elisse nagbalikan bago magkapandemya; may 4 ‘magic word’ para sa LDR

Ervin Santiago |June 22,2021
facebook
share this

McCoy, Elisse nagbalikan bago magkapandemya; may 4 ‘magic word’ para sa LDR

Ervin Santiago - June 22, 2021 - 09:00 AM

BAGO pa magsimula ang COVID-19 pandemic ay nagkabalikan na ang dating magka-loveteam na sina McCoy de Leon at Elisse Joson.

Ito ang inamin ng young actor sa isang panayam kung saan kinumpirma rin niya na magkahiwalay uli sila ngayon ni Elisse dahil inabutan nga ito ng lockdown sa ibang bansa.

Kaya naman LDR (long distance relationship) ang status nila ng aktres, pero ani McCoy, kinakaya naman nila ni Elisse ang pangungulila at matinding pagka-miss sa isa’t isa.

Pahayag ng binata, napakarami raw niyang natutunan sa relasyon nila ni Elisse lalo ba nang magkabalikan na sila para sa kanilang “second chance” at ituloy ang naunsiyami nilang love story.

“‘Yung pagkakamali mo noon, lahat naman tayo may pagkakamali, maitutuwid mo ngayon. Sobrang ma-drama. Pero totoo ‘yon. Kumbaga nagiging better person ka.

“Actually hindi ko po talaga in-expect ‘yung mga nangyari pero sa lahat nang nangyari sobrang thankful po ako,” pahayag ng aktor.

Kasunod nito, kinumpirma nga ni McCoy na nagkabalikan sila ni Elisse bago pa ang pandemya, “Low key lang talaga kami. Tsaka sa gitna ng pandemic, mas tumatag pa ang samahan namin.”

“Sobrang happy ko po talaga. Hindi ko po ma-explain in words,” aniya pa.

Sa tanong naman sa binata kung paano nila napapanatili ang init ng kanilang relasyon sa kabila ng pandemya at LDR, may apat na bagay daw silang pinanghahawakan ni Elisse.

“Communication, understanding, faith at trust. ‘Yun ang susi roon para maging okay at maging kampante,” sabi ni McCoy.

Last month lang, ibinandera ni Elisse sa social media na super miss na niya ang kanyang boyfriend dahil ilang buwan na nga silang hindi nagkikita at nagsasama nang personal. Puro lang siya tawagan sa cellphone at video call.

Nag-post pa ang dalaga sa Instagram ng collage ng screen grabs ng pag-uusap nila ni McCoy sa pamamagitan ng video app.

Ani Elisse sa caption, “Thank you for reminding me that I am loved by you, even through the distance… Sabi mo, lagi kita inaaway, pero miss lang talaga kita.”

Unang kumalat ang chika na nagkabalikan sina McCoy at Elisse bago magpaalam ang 2020. Isang litrato kasi ang ipinost ng aktor sa socmed kung saan hinahalikan niya sa noo ang dalaga habang nakasakay sila sa isang yate.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung matatandaan, nabuo ang loveteam nina McCoy at Elisse sa “Pinoy Big Brother” noong 2016.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending