Barbie, Diego spotted na magkasama sa restaurant, nagkabalikan na nga ba? | Bandera

Barbie, Diego spotted na magkasama sa restaurant, nagkabalikan na nga ba?

Ervin Santiago |March 06,2022
facebook
share this

Barbie, Diego spotted na magkasama sa restaurant, nagkabalikan na nga ba?

Ervin Santiago - March 06, 2022 - 09:59 AM

Diego Loyzaga at Barbie Imperial

NAGKABALIKAN na nga ba ang ex-celebrity couple na sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial?

Yan ang tanong ng kanilang mga supporters nang kumalat sa social media ang litrato ng dalawa habang magkasama sa isang restaurant sa Pasig City recently.

Unang ipinost ito sa isang Facebook account last March 3 kung saan makikita ngang magkatabi sina Diego at Barbie at kasama ang isang non-showbiz guy. Tila katatapos lamang nilang lumafang base sa nasabing litrato.

Sa caption na inilagay ng netizen sa nasabing photo, nabatid na may bagong endorsement si Diego pero wala itong binanggit kung bakit magkasama ang dating magdyowa.

Siyempre, nagpiyesta ang mga loyal fans nina Diego at Barbie lalo na yung mga umaasang magkakabalikan pa rin ang dalawa at magkakaroon ng part 2 ang kanilang love story.

May isang netizen naman ang nag-repost ng litrato nina Diego at Barbie kung saan marami nga ang nagtanong kung bago lamang ang photo o recycled lang.

Halos lahat ay nagsabing sana raw ay totoong nagkaayos at nagkabalikan na ang ex-couple dahil sayang naman daw kung tuluyan nang mauuwi sa wala ang kanilang pagmamahalan.

Nagsimulang kumalat ang chika na hiwalay na sina Barbie at Diego noong January, 2022 nang mapansin ng netizens na hindi kasama ng aktor ang aktres nang magtungo ito sa Amerika.

Wala na ring ipino-post na mga litrato ang dalawa na magkasama sa kani-kanilang social media. Pagsapit ng Feb. 3, kinumpirma na ni Barbie na totoong hiwalay na sila ni Diego pero hindi raw sila magkaaway ng binata at maayos naman ang kanilang breakup.

Isa raw sa natutunan ni Barbie sa paghihiway nila ni Diego ay, “Kapag naririnig natin yung mahalin mo muna ang sarili mo bago ka magmahal ng iba, parang gasgas na, di ba?

View this post on Instagram

A post shared by BARBIE IMPERIAL (@msbarbieimperial)


“Pero yung natutunan ko sa mga past relationships ko was kailangan mo pala talagang mahalin ang sarili mo. Totoo pala yun. Paubos na ako nang paubos, bigay pa rin ako nang bigay ng love sa ibang tao.

“So, parang nung finally natutunan ko na, baka kaya paulit-ulit na nangyayari sa akin ito, kasi di ko talaga minamahal ang sarili ko. Kasi it’s like all the same stories with each boyfriend.

“So, for me, parang what if ibahin ko ngayon? Sarili ko naman ang mahalin ko and then let’s see kapag…too much details. Delete! If you don’t love yourself talaga, parang ang mangyayari, go with the flow ka na lang.

“Love yourself para buo ka. Yung tapang mo nandiyan, yung paninindigan mo nandoon,” aniya pa.
Hindi rin daw siya naniniwala sa kasabihang, “Love is lovelier the second time around.” Ani Barbie, “Based on experience, wala naman akong binalikan ever na ex.

“Du’n na lang tayo sa experience na parang hindi na. Kasi nung time na yun na magkasama kami, sana yun na yung time na okay lahat. Na du’n gagawin kung anuman ipu-prove ganito-ganyan. Parang you had your shot,” paliwanag ni Barbie.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag nina Barbie at Diego tungkol sa balitang ito.

Heaven, Kiko nakitang magkasama sa birthday party; magdyowa na nga ba?

Cherry Pie kinilig sa bonggang surprise ni Edu: It was like in the movies

Nadine sa paghihiwalay nila ni James: I’m allowing myself time to heal…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending