Jennica, Alwyn sabay tinanong kung nagkabalikan na...pero magkaiba ang sagot | Bandera

Jennica, Alwyn sabay tinanong kung nagkabalikan na…pero magkaiba ang sagot

Ervin Santiago |December 17,2021
facebook
share this

Jennica, Alwyn sabay tinanong kung nagkabalikan na…pero magkaiba ang sagot

Ervin Santiago - December 17, 2021 - 06:48 PM

Jennica Garcia at Alwyn Uytingco

DIRETSAHAN nang sinagot ng nagkahiwalay na celebrity couple na sina Jennica Garcia at Alwyn Uytingco kung totoo bang nagkabalikan na sila.

May mga chika kasi na pinatawad na ng Kapuso actress ang asawang aktor makalipas ang ilang buwan simula noong magdesisyon silang magkanya-kanya muna.

Sa morning program ng GMA 7 na “Mars Pa More” hosted by Iya Villania and Camille Prats, sabay na tinanong at sumagot sina Jennica at Alwyn kung nagkabalikan na nga ba sila.

At nagkaalaman na nga: magkaiba ang ibinigay na sagot ng estranged couple on national TV.

“Yes!” ang tugon ni Alwyn habang “No” naman ang naging sagot ni Jennica.
Agad namang nagpaliwanag ang aktres kung bakit “no” ang kanyang sagot sa tanong.

“It’s too early to say eh. We’re on the same page. Of course we are believing in God for our marriage to work. 

“It’s just that, there’s so much healing that needs to happen,” pahayag ni Jennica.

Aniya, nasa proseso pa rin siya ng tinatawag niyang “healing” matapos ang mga pinagdaanan sa married life nila ni Alwyn. Ayaw daw niyang madaliin ang mga bagay-bagay para wala siyang pagsisihan sa bandang huli.

Dagdag pang katwiran ni Jennica, “I still have unhealthy coping habits. So I’m really working on it.” 

Last May, 2021 nang maibalitang hiwalay na ang mag-asawa ngunit wala silang ibinigay na rason kung bakit nasira ang kanilang relasyon. Kung anu-anong ispekulasyon ang naglabasan tungkol sa kanilang break-up.

Ilang araw lamang ang nakalipas, nagpahayag si Alwyn sa pamamagitan ng Instagram ng kanyang saloobin tungkol sa posibilidad na muling mabuo ang kanyang pamilya. 

Humingi rin siya ng sorry kay Jennica at sinabing mahal na mahal pa rin niya ang kanyang asawa.
Kasunod nito, kinumpirma naman ni Jennica na nag-uusap na uli sila ni Alwyn.

Kamakailan lamang, ipinost ni Alwyn ang mga litrato nila ni Jennica kasama ang dalawa nilang anak na sina Athena Mori at Alessi habang masayang kumakain sa isang restaurant.

Kung matatandaan, ikinasal sina Jennica at Alwyn noong 2014.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

View this post on Instagram

A post shared by Alwyn S. Uytingco (@alwynzky)

Jennica Garcia, Alwyn Uytingco magkakabalikan na ba?

Jennica umaming wasak ang puso; may open letter para sa 2 anak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending