Jake dedma muna sa babae, uunahin ang pamilya: Gusto kong dalhin ang nanay ko sa lahat ng bansa na gusto niyang puntahan | Bandera

Jake dedma muna sa babae, uunahin ang pamilya: Gusto kong dalhin ang nanay ko sa lahat ng bansa na gusto niyang puntahan

Ervin Santiago |December 27,2022
facebook
share this

Jake dedma muna sa babae, uunahin ang pamilya: Gusto kong dalhin ang nanay ko sa lahat ng bansa na gusto niyang puntahan

Ervin Santiago - December 27, 2022 - 07:53 AM

Jake dedma muna sa babae, uunahin ang pamilya: Gusto kong dalhin ang nanay ko sa lahat ng bansa na gusto niyang puntahan

Kylie Verzosa at Jake Cuenca

MAS gusto munang unahin ngayon ng Kapamilya hunk actor na si Jake Cuenca ang kanyang pamilya bago ang lovelife o pakikipagrelasyon.

“To be honest, wala pa ako sa mood magka-girlfriend. Nandoon ako sa gusto kong bumawi sa pamilya ko.

“Gusto kong mag-provide, gusto kong dalhin ang nanay ko sa lahat ng bansa na gusto niyang puntahan,” ang sabi ni Jake sa isang panayam kamakailan lamang.

Ang huling nakarelasyon ng binata ay ang aktres at beauty queen na si  Kylie Verzosa. Tumagal sila ng halos tatlong taon.

Sey ni Jake, nais niyang bumawi sa lahat ng nagmamahal at patuloy na nagtitiwala sa kanya, lalo na sa mga taong hindi siya iniwan noong sunud-sunod ang pagdating ng mga pagsubok sa buhay niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Jake Cuenca (@juancarloscuenca)


“Totoo naman ‘yung assessment mo na this has been one of the hardest things that I have to go through in my entire life but I made it through.

“Heto na ako ngayon, and I’m at my best, and pinepresenta ko sa inyo ang sarili ko mainly because of my family na talagang pinulot nila ako sa sahig,” aniya.

“Kumbaga, hindi ako gutom na maghanap ng bagong girlfriend, or maghanap ng pagmamahal.

“Ngayon, gusto ko lang isukli sa tao lahat ng pagmamahal na ibinibigay nila sa akin, my family, my fans, kayo, my directors, and my producers who believe in me,” sey pa ni Jake na umaani ngayon ng papuri mula sa mga nakapanood na ng entry nila sa MMFF 2022 na “My Father, Myself”.

Katwiran pa ni Jake, “Magkaka-girlfriend din naman ako pero isa sa natutunan ko these past six months na lumipas, a very valuable thing na natutunan ko is to be happy being alone. To learn to be self-sufficient, to learn to make yourself happy.

“Mali na gawin kong responsibilidad ng ibang tao ang happiness ko. Kailangan sa akin manggaling ‘yon eh. Even my mom says that to me, kailangan manggaling sa iyo,” mariin pa niyang sabi.

Jake Cuenca sa netizen na nagsabing ‘lalaki naman jowain mo’: Pwede ka naming pagtawanan

Jake Cuenca wala pa sa mood magkadyowa uli, umaming sagad magmahal: Ganu’n ako, inuubos ko ang sarili ko para sa isang tao

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Jeric Gonzales gustong dalhin ang dream girl sa isang paandar na ‘street food’ date

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending