Rendon Labador inasar sina Vice Ganda at Ion Perez, nagbunyi sa 12-day suspension ng 'It's Showtime' | Bandera

Rendon Labador inasar sina Vice Ganda at Ion Perez, nagbunyi sa 12-day suspension ng ‘It’s Showtime’

Therese Arceo |September 05,2023
facebook
share this

Rendon Labador inasar sina Vice Ganda at Ion Perez, nagbunyi sa 12-day suspension ng ‘It’s Showtime’

Therese Arceo - September 05, 2023 - 04:44 PM

Rendon Labador inasar sina Vice Ganda at Ion Perez, nagbunyi sa 12-day suspension ng 'It's Showtime'

NAGBUNYI ang social media personality na si Rendon Labador matapos ibalita na pinatawan ng 12-day suspension ang Kapamilya noontime program na “It’s Showtime”.

Kahapon, September 4, marami ang nagulat matapos patawan ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng suspensyon ang programa dahil sa insidente ng pagkain ng icing nina Vice Ganda at Ion Perez sa isang episode ng segment nilang “Isip Bata”.

Sa kanyang Facebook page ay ibinahagi ni Rendon kung gaano siya kasaya sa naging pasya ng MTRCB sa isa sa kanyang mga inireklamo.

Matatandaang kinalampag niya noong Hulyo ang pamunuan ng MTRCB hinggil sa diumano’y malaswang pagkain nina Vice at Ion ng icing sa harap ng mga bata.

“JUST IN!!!! 12 DAYS STAYCATION IS AWARDED TO #ItsShowtime!!! Nanalo ang #BosesNgBayan itigil ang KAHAYUPAN SA SOCMED!!!” saad ni Rendon.

Nagpasalamat rin ang social media personality sa MTRCB Chairwoman na si Lala Sotto.

Baka Bet Mo: ABS-CBN nanindigang walang nilabag na batas ang It’s Showtime, aapela sa MTRCB

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Maraming salamat sa MTRCB!!! super good job po sa inyong ahensiya! Madam Lala Sotto salamat po sa napakagandang aksyon!” pagpapatuloy pa ni Rendon.

Dagdag pa niya, “Mag kakasundo po tayong lahat sa pag protekta ng kabataan laban sa mga kalaswaan.”

Inasar pa nga ni Rendon ang mag-partner na sina Vice at Ion sa pamamagitan ng pag-“congrats” sa mga ito.

“Congratulations VICE & ION on this new milestone! #stayMotivated,” hirit pa nito.

Sey pa ni Rendon sa comment section, ngayon na lang daw bumalik ang saya niya na nawala buhat nang mawala ang kanyang TikTok account.

“Parang gusto kong mag pa inom ngayon ah LETS GOOOOWWWW!!!! Ngayon nalang ulit ako sumaya pag tapos kong ma banned sa tiktok.

“Parang gusto kong i treat ang buong MTRCB, o makapag padala man lang ng meryenda sa office nila #stayMotivated,” sabi pa ni Rendon.

Samantala, tila naimbyerna naman ang mga netizens sa ginawa ng self-proclaimed motivational speaker.

“Masayang masaya ka sa pagkakamli Ng iba 1[lauging emoji] Darating din Yung para sayu balang araw HAHAHA,” saad ng isang netizen kay Rendon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Chika pa ng isa, “Masaya kmi nakapahinga na din si Vice..huwag masyadong magsaya rendon baka babalik sayo ang karma.Papansin para sa issue magkaroon lng nang pangalan lahat gagawin hindi iniisip mga staff nang showtime palagi motivated sinasabi pero war freak at makasarili at paperfect.”

Related Chika:
Rendon Labador pinuna ang kulitan nina Vice Ganda at Ion Perez, nanawagan sa MTRCB

Rendon Labador walang takot, pati si Tito Sen tinalakan; gusto ring paimbestigahan ang ‘E.A.T.’ sa TV5

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending