Rendon Labador walang takot, pati si Tito Sen tinalakan; gusto ring paimbestigahan ang 'E.A.T.' sa TV5 | Bandera

Rendon Labador walang takot, pati si Tito Sen tinalakan; gusto ring paimbestigahan ang ‘E.A.T.’ sa TV5

Alex Brosas - August 01, 2023 - 12:17 AM

Rendon Labador walang takot, pati si Tito Sen tinalakan; gusto ring paimbestigahan ang 'E.A.T.' sa TV5

Rendon Labador, Tito Sotto at Helen Gamboa

MATAPOS sitahin ang “It’s Showtime” dahil na binigyan niya ng malisya ang paraan ng pagkain ng cake nina Vice Ganda at Ion Perez, umariba na naman ang self-proclaimed motivational speaker na si Rendon Labador.

This time, ang dating senate president naman na si Tito Sotto ang kanyang kinastigo.

Sa kanyang official Facebook account ay may aria si Rendon against Tito Sen dahil na rin sa isang eksena sa noongtime show nila ni Vic Sotto at Joey de Leon kung saan hinalikan niya ang asawang si Helen Gamboa.

“Eto na ba ang bagong noontime shows natin? Puro kabastusan na lang? Hindi pa nga ako tapos kay Vice meron na naman! Paki ayos nga yan MTRCB!!!

“Paano natin maaayos ang Pilipinas kung pati NATIONAL TV ay wala na ding moralidad?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“HINDI MASAMA MAGPAKITA NG PAG MAMAHAL SA KAPWA gusto ko lang isiksik sa mga kokote natin na MAY TAMANG LUGAR TAYO PARA DIYAN.

“Sumasakit ang ulo ko sa inyong lahat.
MTRCB galaw galaw tayo ha? Hindi ko pwede itolerate ang mga yan. Maraming salamat!”

‘Yan ang aria ni Rendon Labador.

“Sumusobra na kayo! Mawalang galang na Tito Sen! Baka nakakalimutan mong nirerepresent mo kami?

“Ano yang pinaggagawa mo? Dapat nga ikaw ang manguna sa pagpapatupad ng mga tamang gawain. Nakakawala ng moral kapag ganyan ang nakikita ng taong bayan.

Baka Bet Mo: Rendon Labador ‘pressured’ maging influencer, mas bet na bina-bash: ‘Tanggap kong hindi ako naiintindihan ng lahat’

“Inaayos ko ang Pilipinas tapos sinisira naman ninyo.

“MTRCB, ayusin nating tong mga to, nagkakalat na sila masyado sa national TV.”

‘Yan naman ang statement niya sa art card na kasama ng kanyang Facebook post.

Ang daming pumalag sa post na iyon ni Rendon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Brod mahalin mu ang buhay.. kahit sinu binabangga muh sa ngalan ng pag gain ng viewers..tandaan muh brod bata kpa sayang.”

“Rendon Labador Nung pinanganak ka hindi ba nagsisi sayo magulang mo kung ako sgru pinunas nalang kita sa kumot  kaysa sa dumami mga kupal sa mundo. e wala nabuhay ka e.”

“Papansin lang yan wag nyu pansinin yan.”

“Sakit ka din sa ulo. Lahat nalang may issue. Mismo ang bata na ang nagsabi na walang motivations na nakukuha nila sa mga post mo kundi paninira at pakialamero lang. Pls. lang po.”

“Kung sumasakit pla ulo mo patanggal mo puro kung ayw mo sumakit ulo mo wg mong problemahin ung problema ng iba msydo knang ppansin.”

“Kung talagang mag papapnsin kalang din gawan mo din ng video to na katulad ng ginawa mo kay vice yung tinawag mung Kahapan mag video Kadin.”

“Sinipa na kasi to si rendon dun sa Restaurant nia kuno na hindi naman tlga sa kanya kaya todo kayod si rendon ngaun ahaahaha.”

“I was watching the show that day. And If I were not mistaken on the spot nasabihan si Tito Sen ng anak nya about MTRCB and they immediately say sorry.”

Rendon Labador ayaw tantanan si Joey de Leon: ‘Tikom mo na bibig mo at mag-focus ka na lang sa trabaho mo…move on’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Rendon Labador ipinagtanggol si Vice: ‘Kayong mga tao ‘di porket bumili kayo ng ticket sa isang show, eh, parang nabili n’yo na ang mga artist’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending