Diwata wapakels sa nanlalait sa pagtakbo niya sa 2025: Tuloy ang laban!
WA epek sa content creator at social media personality na si Diwata ang mga pangmamaliit at pangnenega sa kanya ng mga bashers.
Bugbog-sarado ngayon ang viral paresan owner sa mga netizens pati na sa ilang celebrities na kumokontra sa pagtakbo niya bilang 4th nominee sa Vendors Partylist sa darating na 2025 elections.
Halos lahat ng mga nababasa naming komento sa pagkandidato ni Diwata next year ay hindi sang-ayon sa naging desisyon niya sa pagsabak sa mundo ng politika
Tulad na lang ng naging reaksyon ng ilang netizens sa isang video na ipinost ni Diwata sa isa niyang social media account nitong nagdaang araw.
Baka Bet Mo: Diwata: Kahit tulog na, may kakatok ng 2 a.m. para lang magpa-picture
Makikita sa naturang video clip si Diwata na nakikisaya at nag-eenjoy sa isang Zumba event. May mga natuwa sa ginawa ng paresan owner at sinabing ituloy lang nito ang kanyang pagtulong sa mga tao.
View this post on Instagram
Sa comments section, may mga nagsabing “pakitang-tao” lang daw ang pag-join ni Diwata sa naganap na Zumba event dahil nga kailangan nitong magpabango sa mga tao.
Pinagdududahan daw nila ang intensyon ni Diwata sa paglilibot sa iba’t ibang lugar na nagsimula matapos nga siyang maghain ng kanyang certificate of nomination and acceptance (CONA).
Ayon sa isang netizen, “Wag muna pag patuloy mga plano ndi ka mananalo. Kung umpisa plng maayos ka nkisama sa tao, ngaun papakitang tao ka.”
Sumagot si Diwata sa mga nanlalait sa kanya at kumukuwestiyon sa kanyang kandidatura at mukhang “unbothered” naman ang vlogger sa mga naninira sa kanya.
Basta ang nasabi lang niya ay, “Tuloy ang laban.” Ibig sabihin, determinado siya sa kanyang plano na magserbisyo-publiko.
Isa sa mga unang personalidad na kumontra sa pagtakbo ni Diwata ay ang motivational speaker na si Rendon Labador.
“Baka akala ni Diwata mag luluto at mag titinda lang siya ng Pares, paki tanong nga kung alam niya yang pinapasok niya. Nag aalala ako para sa kanya,” ang post ni Rendon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.