Diwata nag-file na rin ng CoC para sa Vendors Partylist: May pa-unli rice
TINOTOO ng social media personality na si Diwata o Deo Balbuena sa tunay na buhay ang sinabi niya noon na posible rin siyang sumabak sa politika.
Ngayong araw ay personal na naghain ng kanyang certificate of candidacy (CoC) para Vendors Partylist na isa sa mga grupong tatakbo sa 2025 elections.
Si Diwata ang fourth nominee sa naturang partylist kasama ang mga leader ng grupo na sina Malu Lipana at Lorenz Pesigan, na kasama rin niyang nag-file ng CoC.
Ayon sa pares overload owner, isa sa mga ipaglalaban nila sa kinabibilangang partylist ay ang mga karapatan at seguridad ng lahat ng vendor sa Pilipinas.
Baka Bet Mo: Kim namigay ng pera sa mga nagtitinda sa UP campus; ice cream vendor shookt sa P20K ayuda
“Magtatayo tayo ng kooperatiba kung saan hindi mahihirapan lumapit ang maninindang Pilipino.
“‘Yung mga walang puwesto tutulungan namin makakuha abot sa kanilang makakaya,” ang pahayag ni Diwata sa panayam ng media.
Sabi pa niya, sakaling mananalo siya sa darating na eleksyon maglalaan siya ng mas maraming oras sa kongreso at ipamamahala muna sa mga taong pinagkakatiwalaan niya ang kanyang mga food business.
Sa tanong kung magse-share ba siya ng unlimited pares Congress tulad ng ino-offer niya sa kanyang mga negosyo, “Ay bakit hindi? Kung gusto nila. Mag-a-unli rice tayo at free softdrinks pa.”
Dagdag pa niya, “Ako po ay nangangakong tutulungan ang mga vendor at mga Pilipinong gusto magtayo ng munting negosyo.”
Isa lamang si Diwata sa napakaraming social media personalities at celebrities na nag-file ng kanilang CoC para sa Eleksyon 2025.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.