Rendon Labador ayaw tantanan si Joey de Leon: 'Tikom mo na bibig mo at mag-focus ka na lang sa trabaho mo...move on' | Bandera

Rendon Labador ayaw tantanan si Joey de Leon: ‘Tikom mo na bibig mo at mag-focus ka na lang sa trabaho mo…move on’

Ervin Santiago |July 18,2023
facebook
share this

Rendon Labador ayaw tantanan si Joey de Leon: ‘Tikom mo na bibig mo at mag-focus ka na lang sa trabaho mo…move on’

Ervin Santiago - July 18, 2023 - 07:49 AM

Rendon Labador ayaw tantanan si Joey de Leon: 'Tikom mo na bibig mo at mag-focus ka na lang sa trabaho mo...move on'

Joey de Leon at Rendon Labrador

AYAW tantanan ng kontrobersyal na social media personality na si Rendon Labador ang veteran TV host-comedian na si Joey de Leon.

Hindi pa rin kasi nagsasalita o sumasagot ang isa sa mga original host ng longest-running noontime show sa Pilipinas sa mga naunang patutsada ni Rendon laban sa kanya.

Matindi ang mga pinagsasabi ng kontrobersyal na motivational speaker laban kay Joey hinggil sa mga parinig nito sa producer at mga bagong host ng “Eat Bulaga” sa GMA 7.

Hindi nagustuhan ni Rendon ang pang-ookray ng tinaguriang Henyo Master sa pamilya Jalosjos na nagmamay-ari ng TAPE pati na rin sa grupo nina Paolo Contis, Isko Moreno at Buboy Villar na siyang pumalit sa TVJ.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Partikular na tinira ni Rendon ang hirit ni Joey sa pagse-celebrate ng “Eat Bulaga” sa GMA ng 44th anniversary, “Kami ang legit. ‘Yung mga, alam n’yo na, peke… baligtarin ang legit… tigel na kayo please.”

Ani Rendon, hindi siya natutuwa sa mga pagpaparinig ni Joey at dapat daw ay mag-move on na ito sa mga nangyari at mag-focus na lang sa bago nilang programa sa TV5, ang “E.A.T.”.

“Sa totoo lang T.A.E. kayong tatlo kung hindi nag invest sa inyo ang TAPE. Hindi ninyo nakita ang ilang taong lugi nila sa inyo.

“Nag invest sila sa inyo nung nag sisimula palang kayo at hindi ninyo nakita yun kasi nabulag kayo sa kasikatan. Hindi na ako natutuwa sayo Joey sa kakaparinig mo. Move on ka nalang at gawin ang trabaho mo!

“Sumusobra ka na! I stand sa mga negosyante na tumutulong lang naman pero sa huli ay parang sila pa yung napasama. Matanda ka na Joey, mag bago ka na. #stayMotivated,” ang patama pa ni Rendon kay Joey.

“Ang totoo niyan kasi Joey… kaya kayo pinalitan kasi laos na kayo. Hindi lang nila masabi kasi nakakahiya naman sa inyo. Wala na nanunuod ng TV ngayon Joey,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Rendon Labador ipinagtanggol si Vice: ‘Kayong mga tao ‘di porket bumili kayo ng ticket sa isang show, eh, parang nabili n’yo na ang mga artist’

Habang isinusulat namin ang balitang ito ay wala pa kaming nababalitaan na sinagot ni Joey si Rendon. Pero ang socmed personality ay tuloy pa rin sa pagbanat sa komedyante.

Sa kanyang Facebook account, ni-repost ni Rendon ang artikulo sa BANDERA at nilagyan ng caption na, “Tumatandang paurong si Joey! Pinili na nga kayo ng mas madaming netizens, tikom mo na bibig mo at mag focus ka nalang sa trabaho mo.

“MOVE ON!!! Hindi maganda na tularan ka pa ng mga kabataan sa mga style mo. #stayMotivated,” ang matapang na mensahe niya kay Joey.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa isa pa niyang post, sinabihan din niya ang veteran comedian ng, “Magbago ka na Joey! Sayang naman yung pinundar mo sa industriya kung ipapakita mo lang na paurong ang pagtanda mo.”

Narito naman ang mga comments ng netizens.

“Coming from u. Ikaw dn nmn d dpt tularan, motivational speaker kuno pero wala ng ginawa kundi mangialam ng buhay ng iba.”

“Sa tingin mo ikaw dapat kang tularan..e wla kapa sa kalahati ng nagawa ni joey de leon sa industriya na tinatahak nyo…ikaw kaya manahimik at gumawa ng naayon sa social media.”

“Tama naman ang punto ni Rendon Labador  medyo harsh lang yung words pero sa nagbabasa yan paano nya matatanggap kung Hindi ceguro ignore Nalang wag na makipag sabayan kasi sila lang ang kumikita sa content nila, tayo kung walang pakinabang wag na intensiyon skip or ignore para wlang stress.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“With all your respect po sir Rendon Labador. Isa lang po sasabihin ko sayo. Tatanda ka rin po. Huwag po tayong masyadong mapagpuna ng pagkakamali ng iba. Bago po tayo maglinis ng bakuran ng iba,linisin po muna natin sarili nating bakuran.. just saying lang po.”

“Si joey de leon may pamagat at napatunayan na, wag na mkisawsaw sa issue ng Tvj at eat bulaga, nababasa ko sayu kumukuha ka ng simpatya sa tao atsi joey tinarget mo…Kung ako sayu magbasa ka na lang ng libro para matuto ka.”

“Have respect po sa nakatatanda isipin mo din na tatanda ka sa ayaw at sa gusto mo.”

“Baka pag pinatulan ka ni mr joey ikaw naman punta doon sa kanya at hihingi ng tawad gaya ng ginawa mo ky mr tulfo.”

Rendon Labador binanatan si Coco Martin: ‘Hindi ka ba talaga nakakaintindi?’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ogie Diaz tinalakan si Rendon Labador: Huwag natin pairalin yung pagiging siga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending