Vice Ganda may patutsada nga ba sa TV5: 'Ang magandang kapartner ng 7 ay number 2' | Bandera

Vice Ganda may patutsada nga ba sa TV5: ‘Ang magandang kapartner ng 7 ay number 2’

Therese Arceo |June 24,2023
facebook
share this

Vice Ganda may patutsada nga ba sa TV5: ‘Ang magandang kapartner ng 7 ay number 2’

Therese Arceo - June 24, 2023 - 11:12 PM

Vice Ganda may patutsada nga ba sa TV5: 'Ang magandang kapartner ng 7 ay number 2'
NAGPAPARINIG nga ba ang Unkabogable Star na si Vice Ganda laban sa Kapatid network?

Sa nagdaang segment kasi na Rampanalo ng “It’s Showtime” na ippnalabas noong Biyernes, June 23, tila may pahaging ang komedyante habang pinapapili ang madang pipol kung anong number ang bet niya mula sa sampung cards na naglalaman ng pangalan ng hosts na siyang magiging “computerist”.

“Anong number ang gusto n’yo?” tanong ni Vice sa madlang people.

Napansin naman ng co-host nitong si Amy Perez na puro number 5 ang bet ng audience.

Sey naman ni Vice, “Dahil magkakaiba, ako na ang pipili. Seven ang number natin.”

Ngunit dahil dalawa ang dapat na “computerist” ay nagtanong ulit sila kung pang number ang gusto ng madla.

Tanong ni Tiyang Amy kay Vice, “Sino kaya ang magiging kapartner niya, Meme?”

“Ang magandang ka-partner ng 7 ay number 2,” sagot naman ng Unkabogable Star.

Baka Bet Mo: Vice Ganda walang sama ng loob sa TVJ, tuloy ang pagpapasaya sa madlang pipol

Agad namang nag-trending sa Twitter ang clip na mula sa Friday episode ng “It’s Showtime”.

“Magandang ka-partner ng 7 ang 2! HINDI NA RAW 5 EME,” sey ng @AltStarMagic na kino-quote ang sinabi ni Meme Vice.

Comment ng isang netizen, “The shade!!!”

Sey naman ng isa, “Eme ka naman Meme Vice!”

Matatandaang simula July 1 ay hindi na mapapanood ang “It’s Showtime” sa TV5 ngunit sa kabila nito ay nakahanap naman sila ng bagong tahanan at mapapanood na sila sa GTV.

Super happy nga si Vice dahil kahit na hindi nila inaasahan ang “plot twist” na nangyari ay may bagong oportunidad na nagbukas para sa Kapamilya noontime show.

“Masayang-masaya. Noong ibinalita sa amin, siyempre emosyunal kaming lahat kasi nasa kalagitnaan kami ng lungkot, yung parang nawalan ka ng tirahan tapos biglang may kukupkop na naman sa iyo.

“We feel so special and we are very grateful to GTV,” sey ni Vice.

Related Chika:
Vice Ganda super happy sa kanyang kaarawan, binati ni Joey de Leon at iba pang ‘Eat Bulaga’ hosts

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Vice Ganda may pa-open letter sa ‘Showtime’ family: Ang puso ng Madlang People ang TOTOONG TAHANAN natin

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending