Vice Ganda may pa-open letter sa 'Showtime' family: Ang puso ng Madlang People ang TOTOONG TAHANAN natin | Bandera

Vice Ganda may pa-open letter sa ‘Showtime’ family: Ang puso ng Madlang People ang TOTOONG TAHANAN natin

Therese Arceo |June 20,2023
facebook
share this

Vice Ganda may pa-open letter sa ‘Showtime’ family: Ang puso ng Madlang People ang TOTOONG TAHANAN natin

Therese Arceo - June 20, 2023 - 11:05 PM

Vice Ganda may pa-open letter sa 'Showtime' family: Ang puso ng Madlang People ang TOTOONG TAHANAN natin
HINDI mapigilan ng Unkabogable Star na si Vice Ganda ang maging emosyonal sa kasalukuyang rigodon na nangyayari sa kanilang noontime program na “It’s Showtime”.

Sa kanyang Instagram page ay ibinahagi niya ang kanyang mensahe sa kapwa hosts at miyembro ng produksyon ng naturang programa na itinuring na rin niyang pamilya sa nagdaang mga taon ng kanilang pagsasama.

“Dear It’s Showtime family, alam kong nagulat kayo. Naguguluhan. Natatakot. Nalulungkot. Naiiyak. Haaaaay! Hingang malalim. May kaguluhan at kabilisan ang mga ganap. Ganunpaman, kalma lang (at least try),” saad ni Vice.

Matatandaang naging usap-usapan kung ano ang mangyayari sa “It’s Showtime” matapos i-welcome ng TV5 ang Dabarkads sa kanilang bakuran pagkatapos nitong magbitiw sa TAPE Inc.

Marami ang nangamba na sa pagpasok ng TVJ at buong legit dabarkads sa Kapatid network ay mawawala na sa noontime slot ang Kapamilya show nina Vice upang bigyang daan ang bagong show ng mga dabarkads.

At kanina nga ay kinumpirma na ng ABS-CBN na simula July 1 ay hindi na mapapanood sa TV5 ang “It’s Showtime” at sa halip ay ipapalabas na sila sa GTV.

Baka Bet Mo: Hirit ni Vice kinonek ng netizens sa isyu ng ‘Eat Bulaga’: ‘If you listen to the madlang pipol, you will never go wrong…’

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“Nakakabigla man ang mga nangyayari, sabi nga ng linya ko sa kanta natin, ‘Basta’t kasama Kapamilya, kahit ano pa ‘yan kayang-kaya!’

“Sa dami ng mga pinagdaanan natin, kering keri na natin ‘to. Naranasan na natin ang ma-torture, mabugbog, ilibing nang buhay. Ngayon pa ba! Tapik na lang to!” lahad pa ni Vice.

Aniya, marami man ang walang kasiguraduhan ay sigurado naman siyang mahal sila at susuportahan sila ng buong madlang people.
“At ang pagmamahal a yun ang bumuhay satin sa bawat paghihingalong naranasan noon. Ang puso ng Madlang People ang TOTOONG TAHANAN natin,” sey pa ni Vice.

Kaya naman patuloy lang silang magpapasaya at magbibigay ng pag-asa sa lahat ng sumusuporta sa kanila.

Ani pa ni Vice, “Maniwala ka, ‘Ituloy lang ang sikap, sa dulo’y kikislap!’ Sa oras ng iyong panghihina at pagkalito ay sasamahan kita. Bubuhatin natin ang isa’t isa.

“Itataguyod kahit anong pagod. ‘Di kita iwan. Pahirin mo ang yong luha. Itutuloy natin ang saya. Dito at doon. Damhin mo ang mahigpit kong yakap. Mahal na mahal kita!”

Dagdag pa ni Vice, sa bawat bagay na nawawala sa ito ay paniguradong may kapalit.

“Life is fascinating and makes you grateful. When it takes one thing from you it always replaces it with something else.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Vice Ganda itinuturing na superhero si Ion Perez: He fully understands me

Vice Ganda super happy sa kanyang kaarawan, binati ni Joey de Leon at iba pang ‘Eat Bulaga’ hosts

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending