Rendon Labador ‘pressured’ maging influencer, mas bet na bina-bash: ‘Tanggap kong hindi ako naiintindihan ng lahat’
NAG-OPEN up ang motivational speaker na si Rendon Labador sa pagiging social media influencer.
Ito ay matapos makachikahan niya kamakailan lang ang dating alkalde ng Maynila na si Isko Moreno sa pamamagitan ng YouTube vlog na “Iskovery Nights.”
Umamin si Rendon na nakakaramdam din siya ng pressure at hirap sa pagiging influencer.
Tanong ni Isko sa kanya, “How is it being an influencer?”
Sagot ng motivational speaker, “Masaya rin na mahirap, May pressure ganyan.”
Paliwanag pa niya, “Pag nasa social media ka, dapat hindi ka emosyonal kasi lahat ng tao nandito e, open ka.”
“Vulnerable ka sa buhay mo kasi walang fake e. Bawal kang maging fake kapag may social media ka. Kailangan totoo,” sey pa niya.
Ani pa niya, “As much as possible, dapat wala kang emosyon.”
Ayon pa kay Rendon, isang lang siyang normal na tao na nais tumulong sa maraming Pinoy.
Kaya lang daw maraming nagagalit sa kanya at sinasabihan siyang “clout chaser” ay dahil sensitive lang ang mga Pinoy at ayaw marinig ang mga masasakit na katotohanan.
“Ako kasi sinasabi ko lang ang totoo. Siguro ‘yung mga nagsasabi nyan, ‘yan ‘yung mga ayaw makarinig ng katotohanan. Masakit talaga e. Lalo na mga Pilipino, sensitive ‘yan,” sambit niya.
Dagdag pa niya, “Kasi ‘yung mga hindi niyo kayang sabihin, sinasabi ko. ‘Yung mga ayaw niyong marinig, sinasabi ko ‘yan.”
Kasunod din niyan ay nilinaw niya ‘yung mga isyu pagdating naman sa mga nakakabangga niyang sikat na mga celebrity at personalidad.
“Kaya rin ako nami-misinterpret din kasi ‘yung mga Pilipino, nakabase ang respeto ninyo doon sa narating ng tao. Ako kasi wala akong pakialam e,” saad ng socmed influencer.
Paliwanag niya, “Ang gusto ko lang ipakita sa mga Pilipino na huwag ninyo ibase ang respeto ninyo doon sa narating ng tao.”
“Kung alam niyong mali, kung may opinyon kayo, magsalita kayo. Tsaka huwag kayong magbase kung hindi magugustuhan ng ibang tao,” aniya pa.
Mensahe pa niya sa madlang pipol, “Gawin niyo ang gusto niyong gawin, basta tama ‘yung intensyon ninyo kasi ‘yung taong tama para sa inyo ay maniniwala naman sayo e.”
Sinabi ni Rendon na mas bet niyang naba-bash dahil ito raw ang sukatan na may ginagawa siyang makabuluhan sa kanyang buhay.
“Tanggap ko na rin na hindi ako maintindihan ng lahat ng tao. Mas gusto ko ‘yung bina-bash ako kasi alam ko ‘yung mga taong tutulungan ko,” sey niya.
Ani pa ng motivational singer, “Kasi kapag wala ka nang comments, wala ka nang bad feedback, ibig sabihin, wala kang ginagawang tama sa buhay mo.”
Related Chika:
Ogie Diaz tinalakan si Rendon Labador: Huwag natin pairalin yung pagiging siga
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.