Mga BANDERA ‘exclusives’ na umariba ngayong taon

Yearend 2024: Mga BANDERA ‘exclusives’ na umariba ngayong taon

Pauline del Rosario - December 29, 2024 - 07:06 PM

Yearend 2024: Mga BANDERA ‘exclusives’ na umariba ngayong taon

PHOTOS: Courtesy of Sean Jimenez

NAGING makulay at makabuluhan ang taong ito para sa BANDERA dahil sa mga natatanging eksklusibong panayam na ibinandera sa aming mga mambabasa.

Sa bawat panayam, layunin namin na maghatid ng kwentong puno ng inspirasyon, pagkakaisa, at pag-asa. 

Patuloy naming hangad na maging boses ng mga makabuluhang kwento sa darating pang mga taon. 

Salamat sa inyong suporta, mga Ka-Bandera, at asahan ang mas marami pang eksklusibong kwento sa 2025!

Baka Bet Mo: Yearend 2024: Mga Pinoy na nagningning, itinaas ang bandera sa int’l stage

Samantala, balikan natin ang mga exclusive interview namin sa buong taon ng 2024:

raven

Ang una namin na-interview this year ay ang Pinoy singer-rapper na si raven.

Ito ay dahil sa inilabas niyang album na “Kinulayan” na hango mismo sa kanyang personal experience at inspirasyon mula sa kwento ng kanyang mga mahal sa buhay.

“So ‘yung album, kapag pinakinggan siya ng buo, parang story siya – love story siya ng dalawang tao from the beginning na kilig kilig, na-inspired, crush crush, hanggang sa naging seryoso, hanggang sa dumating ‘yung point na nagpakasal na ‘yung dalawa,” paliwanag niya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

G22

Noong Pebrero, ipinagdiriwang ng Pinoy pop girl group na G22 ang kanilang second anniversary at kasabay nga niyan ang inihandog nilang libreng concert para sa fans.

Present ang BANDERA sa selebrasyon ng grupo kaya nakachikahan din namin sila after ng kanilang bonggang performances.

Isa sa mga ibinunyag nila ay ‘yung mga natutunan nila sa kanilang journey bilang P-Pop group, kabilang na riyan ‘yung pagiging grounded sa isa’t-isa, marunong makinig, at hindi nawawalan ng pag-asa.

Ang G22 ay under ng Cornerstone Entertainment na binubuo nina AJ, Alfea at Jaz.

Noong February 25, 2022 nangyari ang official debut ng girl group kasabay ng kauna-unahan nilang single na “BANG!”

Jayda

Ibinahagi sa amin ng singer-actress na si Jayda ang ilan lamang sa mga magagandang payo na tumatak sa kanya mula sa celebrity parents na sina Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado.

Ito raw ‘yung kahalagahan ng work ethics at pantay-pantay na respeto sa lahat ng tao.

“Medyo hot take ‘to eh, kapag sinasabihan ako ng nanay ko na, ‘it’s not that you always have to be kind, you just have to be respectful.’ That’s a tough truth na not everyone necessarily deserves your kindness,” kwento ng singer sa amin nang makachikahan sa mini presscon ng inilabas ang hugot single na “Right Lover, Wrong Time.”

Dagdag niya, “But of course, I tried to be a good person sa mga taong nakaka-interact ko.”

“Pero I think that the big advice is you show everyone with respect, whether it be a cameraman or someone from your crew or your co-artist or veteran actor, you show the same level of respect,” aniya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

6ense

Ngayong taong 2024 nagpasabog ng talento sa pagsasayaw ay pagkanta ang bagong Pinoy boy group na 6ense.

Kabilang ang BANDERA sa mga media na naimbitahan para sa kanilang Debut Showcase Day na ginanap sa Music Museum sa San Juan City noong April 5.

Eksklusibo namin nakapanayam ang boy group at lubos silang nagpapasalamat dahil nagbunga na raw ang kanilang paghihirap makalipas ang dalawang taong training.

Walong miyembro ang bumubuo sa 6ense na sina Wiji (leader and main vocalist), Lee (lead vocals and visual), Sevi (center and lead dancer), Asa (lead vocals), Clyn (lead rapper), Jai (main rapper), Drew (lead dancer), at Pen (main dancer).

Keiko Necesario

After tow years, naglabas ng bagong kanta ang indie singer-singwriter na si Keiko Necesario na pinamagatang “Kahit pa anong mangyari.”

Nagkaroon kami ng one-on-one interview sa kanya nang ma-invite kami sa single launch event niya na ginanap sa Quezon City noong Hunyo.

Kwento ng singer, last year pa niya isinulat ang kanta sa gitna ng hinarap na financial problem nila ng mister na si Jem Cubil.

Alex Diaz

Kasabay ng pagdiriwang ng Pride Month, nakachikahan namin ang aktor na si Alex Diaz nang magkaroon ng advance screening ang pinagbidahang queer musical film na “Glitter & Doom.”

Ang nais niyang mensahe para sa LGBTQ community, “I hope that ‘Glitter & Doom’ shows you a world where love is love and I hope it will inspire you to keep fighting for SOGIE (sexual orientation, gender identity, and gender expression) equality sa Pilipinas.”

Ang pelikula ang kauna-unahang international film ni Alex na katambal ang British actor na si Alan Cammish.

Dominic Ochoa

Nagakroon din ng exclusive interview ang BANDERA sa batikang aktor na si Dominic Ochoa nang maganap ang advance screening para sa pinagbibidahan niyang pelikula na “A Thousand Forests.”

Sa panayam, inilahad niya kung gaano kahalaga ang pagkilos upang labanan ang mas lumalalang climate change na hindi lang nararanasan sa Pilipinas kundi pati na rin sa iba pang sulok ng mundo.

Ang pelikula ay tribute sa namayapang dating Department of Environment and Natural Resources Secretary Gina Lopez.

Daniel Paringit

Ibinunyag sa amin ng rising Pinoy artist na si Daniel Paringit na bukod sa pagiging pagiging frequent collaborator ay super close din pala sila ng sikat na OPM singer na si Zack Tabudlo.

Noong Agosto nang maglabas ng debut album si Daniel na ang title ay “Checkpoints” at may isang track diyan na nag-collab sila ni Zack.

“Si Zack isa sa mga number one sa Philippines, pero thankful ako…na nakita ko ‘yung side ni Zack as a producer. Kasi marami ang hindi nakakakita ‘nun at marami ang hindi nakaka-experience,” sey niya samin.

“So parang hands up talaga ako sa kanya bilang artist, bilang producer. Solid! As in deserve siya kung nasaan siya ngayon,” pagpupuri pa niya kay Zack.

Acel Bisa

Bago tuluyang lisanin ang Pilipinas, nakausap pa namin ang dating lead vocalist ng bandang Moonstar88 na si Acel Bisa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Natanong namin sa kanya kung balak niyang ituloy ang music career sa Netherlands.

Ayon sa kanya, hindi pa niya alam pero for sure ay itutuloy pa rin niya ang paggawa ng musika.

“I will still create songs and make music. I just don’t know if I will be able to release it and perform it live…parang I don’t see my music as a career anymore,” pag-amin niya.

Paliwanag pa ni Acel, “I see it as something I love to do. Kasi when you say career, there should be like a path…kaya nga karera. So for me, it’s definitely not a music career but most likely more of making music because I love making music.”

Khimo Gumatay

Buhay pag-ibig ang napag-usapan ng BANDERA at ng “Idol Philippines Season 2” grand champion na si Khimo Gumatay.

Inamin niya sa amin na matindi ang pinagdaanan niya at naging traumatic para sa kanya ang pakikipagrelasyon sa ex-partner.

“I went through a lot po talaga. Siyempre kapag nagmahal ka, if you really love someone ibibigay mo talaga lahat and naibigay ko yung lahat ko,” sambit niya.

Ang pahayag pa niya sa eksklusibong panayam, “And nu’ng time po na yun, as in that’s one of my darkest moments in life. I have to work and I have to deal with it. Pero awa naman ng Diyos, nalagpasan ko naman po.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending