EXCLUSIVE: Daniel Paringit super close kay Zack Tabudlo

EXCLUSIVE: Daniel Paringit super close kay Zack, anong advice sa kanya?

Pauline del Rosario - August 10, 2024 - 03:39 PM

EXCLUSIVE: Daniel Paringit super close kay Zack, anong advice sa kanya?

PHOTO: Courtesy of Sean Jimenez

BUKOD sa pagiging frequent collaborator, super close din pala ang rising Pinoy artist na si Daniel Paringit at ang sikat na OPM singer na si Zack Tabudlo.

‘Yan ang chinika mismo ni Daniel sa BANDERA nang magkaroon kami ng exclusive interview sa kanya kasabay ng kanyang album launch event kamakailan lang.

Present pa nga mismo doon si Zack upang ipakita ang kanyang suporta sa latest milestone ni Daniel.

Naroon din ang iba pa nilang kaibigan sa music industry kabilang na sina Jayda Avanzado, Elha Nympha, Dionela, Cydel, Niana Guerrero, at marami pang iba.

Baka Bet Mo: Song cover ni ENHYPEN Heeseung na ‘Give Me Your Forever’ viral, Zack Tabudlo ‘feeling honored’

Sa panayam, isa sa mga kinamusta namin kay Daniel ay ‘yung collaboration track niya with Zack na pinamagatang “Di Ba Sapat?” na tampok din sa kalalabas lang na “Checkpoints” debut album.

Ayon sa baguhang singer, ilang taon na ang nakalilipas nang ginawa nila ‘yung single kung saan si Zack ang co-writer at nag-produce nito.

Diyan niya rin nabanggit na noong mga panahan na ‘yan ay hindi pa sila close ng OPM singer, pero nagkusang-loob daw itong tulungan siya sa ginagawa niyang music project.

Kwento niya, “Close si Zack at tsaka ‘yung mom ko, tapos close ako at tsaka ‘yung dad ni Zack ‘nung time na [ginagawa ‘yung song]. Then since starting artist ako, parang bigla nalang hiningi ng team ni Zack ‘yung songs ko kasi gusto nila ako tulungan. So nag-send ako sa kanila ng songs…pero ‘nung nasa studio na kami, bigla nalang nag-decide na gumawa from scratch and ‘yun ‘yung ‘Di Ba Sapat.’”

Proud ding chinika ni Daniel kung gaano kahusay pagdating sa paggawa ng kanta ang kanyang kaibigan.

“Si Zack isa sa mga number one sa Philippines, pero thankful ako…na nakita ko ‘yung side ni Zack as a producer. Kasi marami ang hindi nakakakita ‘nun at marami ang hindi nakaka-experience,” panimulang wika niya.

Patuloy niya, “‘Yung ‘Di Ba Sapat’ is a total of six hours or five hours lang ‘yun –sulat, i-record, i-arrange, i-produce, i-mix and master. Sa loob ng five hours na ‘yun, kasama pa ‘yung pizza break.”

“So parang hands up talaga ako sa kanya bilang artist, bilang producer. Solid! As in deserve siya kung nasaan siya ngayon,” pagpupuri pa niya kay Zack.

Nang tanungin naman namin siya kung ano ang “best advice” ang tumatak sa kanya mula sa OPM singer-songwriter.

“Sobrang close kasi namin. As in ang dami naming pinag-uusapan. Pero top of my mind ngayon, siguro ‘yung advice niya sakin na bumalik ako sa tugtugan ko, kung ano ang music ko on me,” sambit ni Daniel.

Esplika pa niya, “So totoo nga sa music or sa kahit anong genre ng art parang the best talaga ‘yung ilabas mo kung ano ‘yung genuinely na kung ano ang galing sa loob mo kasi hindi ka magkakamali doon tapos that will make you unique.”

“Kumbaga be who you are, be genuine ang isa sa mga nakuha ko kay Zack,” aniya pa.

Aminado rin si Daniel na si Zack ang isa sa mga inspirasyon niya ngayon pagdating sa musika at bilang isang tao.

Maliban sa kanya, naging musical influences din daw ng rising singer ang international artists na sina Adam Levine, Maroon 5, Coldplay, at ang mga paborito niyang sina John Mayer at The Script.

Samantala, ang “Checkpoints” album ay mapapakinggan na sa lahat ng music streaming platforms, released by EMI Records, a division of UMG Philippines, Inc.

Mayroon itong nine songs na tungkol sa mga personal niyang karanasan sa buhay, kabilang na pagdating sa lovelife at kaibigan.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending