Ice, Moira, KHIMO, Maki bakbakan sa Philpop Himig Handog 2024

Ice, Moira, KHIMO, Maki bakbakan sa Philpop Himig Handog 2024

Ervin Santiago - July 23, 2024 - 08:36 AM

Ice, Moira, KHIMO, Maki bakbakan sa Philpop Himig Handog 2024

Ice Seguerra, Moira dela Torre, Maki at Khimo

INILABAS na ng “Philpop Himig Handog” songwriting festival ang mga awiting pumasok sa Top 12 at nagpapakita ngayon ng tunog OPM hango sa mga kwento ng hinanakit at pag-asa ng bagong henerasyon.

Kasama rito ang “ATM” ni Francis Contemplacion; “Buhi” ni Keith John Quito, ”Dili Na Lang” ni Relden Campanilla; “Ghostwriter” ni Kevin Yadao; “Kurba” ni Alvin Serito; “Langit Lupa” ni Geca Morales; “MHWG” ni Rob Angeles,” “Papahiram” ni Rinz Ruiz; “Salamat (Nga Wala Na Ta)” ni Jimmy Ricks, “Taliwala” ni Maric Gavino,” “Tulala” ni Shantel Cyline Lapatha, at “Wag Paglaruan” ni Tiara Shaye.

Baka Bet Mo: Philpop, Himig Handog nagsanib-pwersa para sa bonggang songwriting festival

Mula sa Laguna si Francis na alay ang kantang “ATM” o Ang Tanging Mamahalin sa kanyang asawa na nagpapakita ng iba’t ibang paraan ng kanyang pagmamahal dito base sa “Five Love Languages” ni Gary Chapman. Si Ice Seguerra ang nagbigay-buhay sa awitin.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by PhilPop Foundation (@philpopmusic_)


Handog ni Keith sa “Buhi” ang dalawang kahulugan ng titulo nito sa Bisaya, ‘letting go’ at ‘being alive.’ Tungkol nga ito sa pag-move-on pagkatapos ng isang relasyon at inawit naman ng indie-folk singer-songwriter na si Ferdinand Aragon.

Para kay Relden, ayaw niya ang pag-ibig kung hindi rin lang sa gusto niyang tao sa “Dili Na Lang.” Inawit naman ito ng kapwa niya Cebuana artist na si Jolianne.

Kwento ni Kevin sa “Ghostwriter” ang damdamin ng taong biglang iniwan nang walang kaalam-alam. Ang “Idol Philippines” season 2 grand winner na si KHIMO ang siyang umawit nito.

Baka Bet Mo: Tropang ‘TikTalks’ nina Korina, Kakai, Alex, G3 at PatP bongga ang mga pasabog; OPM artist na si Maki dumaan sa matinding ‘pain’

Magiliw na damdamin naman ng pagka-inlove sa gitna ng malupit na mundo ang hatid ng Sunkissed Lola frontman na si Alvin sa kanyang entry na “Kurba” at ang breakthrough OPM artist na si Maki ang siyang interpreter nito.

Base sa larong Pinoy na may parehong titulo ang  “Langit Lupa” ni Geca na inawit din niya kasama si “Tawag ng Tanghalan” season 6 champion Lyka Estrella at “Idol Philippines” season 2 contestant na si Annrain.

Nagbibigay pag-asa at pampatibay ng loob naman ang awiting “MHWG” o ‘mahiwaga’ ni Rob at ang rising P-pop group na VXON ang siyang nagbigay-buhay rito.

Totoong pag-ibig na nakikita at tinatanggap ang good at bad ang kwento ni Rinz sa “Papahiram” na inawit ng OPM hitmaker na si Moira tampok ang indie musician na si Johnoy Danao.

Isang anthem naman ng personal growth at healing ang “Salamat (Nga Wala Na Ta)” ni Jimmy at si Kurt Fick ang nagsisilbing interpreter nito.

Hango sa totoong kwento ang kantang “Taliwala” ni Maric na nagtutulak na huwag bumitaw sa pangako sa gitna ng matinding pagsubok sa pag-ibig. Si Noah Alejandre, miyembro ng singing duo mula sa Ormoc na reon, ang umawit nito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ABS-CBN PR (@abscbnpr)


‘Di naman mapigilang pagkahulog sa isang bagong kakilala ang dala ng Bacolod City native na si Shantel sa “Tulala” sa kabila ng pagiging takot umibig. Kasama ni Shantel sa pagkanta nito ang jazz, funk, at soul band na Extrapolation.

Isang electro-pop song ang “Wag Paglaruan” na isinulat ni Tiara na nagtatampok sa pag-iingat na hindi mapaglaruan sa pag-ibig. Kasama ni Tiara si FANA sa pagbigbigay-buhay sa awitin.

Isang kolaborasyon ng Philpop Musicfest Foundation at Himig Handog ang Philpop Himig Handog na nagsimula sa isang mentorship program kung saan sumailalim sa workshop at songwriting sessions ang baguhang Filipino composers mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Mula sa napiling Top 12 songs pipiliin ang mga magwawagi sa songwriting festival.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Makatatanggap ang winners ng cash prize na P1,000,000 (1st place); P500,000 (2nd place); at P200,000 (3rd place).

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending