Joey nag-sorry kay Miles dahil sa 'pataba' joke sa Eat Bulaga

Joey nag-sorry kay Miles matapos ma-bash sa ‘pataba’ joke sa Eat Bulaga

Ervin Santiago - June 05, 2024 - 12:07 AM

Joey nag-sorry kay Miles matapos ma-bash sa 'pataba' joke sa Eat Bulaga

Miles Ocampo, Joey de Leon, Joao Constancia at Jameson Blake

NEVER na-offend ang TV host-actress na si Miles Ocampo sa “pataba” joke ni Joey de Leon sa kanya sa “Peraphy” segment ng “Eat Bulaga.”

Maraming nam-bash kay Joey matapos niyang biruin si Miles sa timbang nito on national TV, dahil sa halip na “pababa” ang kanyang sabihin ay “pataba” ang lumabas sa bibig nito.

Na-offend daw kasi ang mga fans sa tila pamba-body shame ng veteran TV host-comedian sa dalaga.

Sey ni Miles sanay na sanay na siya sa mga batuhan ng jokes at punchlines ng mga host ng “Eat Bulaga.”

Baka Bet Mo: Shaina Magdayao umamin na kung bakit biglang nawala sa ‘ASAP’: Pataba na ako nang pataba, hindi ko na ma-control

“Sa Dabarkads, bawal ang pikon du’n. Sanay lang sa mga bawat banat at hirit ng isa’t isa, so walang problema po,” ang simulang paliwanag ng aktres sa naganap na grand presscon ng bago niyang daytime teleserye sa TV5, ang “Padyak Princess.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Pagtatanggol pa ni Miles kay Joey, “Actually si Boss Joey, naapektuhan din kasi nga (sabi ni Joey), ‘bakit galit ‘yung mga tao sa akin?’ Eh, segment naman po namin sa Eat Bulaga ‘yung ‘pataas, pababa.’

“Sabi ko kay Boss Joey, ‘okay na po ‘yun, sadyang ang mga tao talaga ngayon ay makabilis makahanap ng mali, kaya napupuna agad.’ Pero sabi ko, wala pong problema,” aniya pa.

Nag-sorry naman daw sa kanya si Joey kinabukasan kaya wala na raw problema kaya sana’y tigilan na rin daw ang pamba-bash sa TV at movie icon.

For her part, dedma na raw siya sa mga pamba-bash sa kanya ng mga netizens dahil sa kanyang timbang.

Baka Bet Mo: Miles Ocampo sa kasikatan nina Kathryn Bernardo at Julia Montes: Hindi ko po ide-deny na sinabi kong ‘sana ako rin ganu’n’

Talaga naman daw tumaba siya after her operation last year dahil sa radiation at mga gamot na kanyang iniinom. Kaya naman nahihirapan siyang magpapayat.

“Hanggang sa dumating sa point na alam mo, wala naman akong magagawa. Nasa health ko ‘to at kung papaya man ako, tataba ako ulit. Kumbaga, nasa dosage rin po ng gamot ko,” aniya.

Kapag daw may nagsasabi sa kanya ngayon na mataba siya, ang lagi na lang niyang sinasagot ay, “Okay, I know.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Samantala, excited na si Miles sa pagsisimula ng seryeng “Padyak Princess” na siyang unang solo lead ng aktres at TV host.

Makakasama ni Miles dito ang dalawa niyang leading man na sina Joao Constancia at Jameson Blake with Kira Balinger, Yayo Aguila, Gillian Vicencio at marami pang iba.

Ayon kay Miles, hindi niya akalaing mabibigyan siya ng ganito kalaking project kaya naman todo ang pasalamat niya sa TV5 at APT Entertainment.

Emosyonal pang sabi ni Miles, ngayon lang siya um-attend sa presscon na siya ang bida dahil sa past projects niya, kundi siya kapatid ay best friend ng bida  ang kanyang role.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood na ang “Padyak Princess” simula sa June 10, Lunes hanggang Biyernes, 11:15 a.m., bago mag-“Eat Bulaga.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending