Hiling ni Joey de Leon: Sana magbago na ng title 'yung ibang show

Hiling ni Joey de Leon: Sana magbago na ng title ‘yung ibang show

Therese Arceo |December 24,2023
facebook
share this

Hiling ni Joey de Leon: Sana magbago na ng title ‘yung ibang show

Therese Arceo - December 24, 2023 - 03:45 PM

Hiling ni Joey de Leon: Sana magbago na ng title 'yung ibang show

Joey de Leon

USAP-USAPAN ngayon ang naging pahayag ng TV host-comedian na si Joey de Leon hinggil sa kanyang Christmas wish.

Nitong Sabado, December 23, nag-post ang isa sa miyembro ng comedic trio na TVJ ng kanyang holiday greetings para sa mga followers.

Sa naturang post ay ipinakita ni Joey ang mga paintings ng mga clowns na maynakasulat na “Happy New Year. Love, @angpoetnyo.”

Tila pahaging naman sa TAPE Inc. ang naging laman ng kanyang caption na tungkol naman sa “pagbabago ng title”.

“Syempre Maligayang Pasko rin sa lahat,” saad ni Joey.

Dagdag pa niya, “Ang wish ko ngayong Pasko—sana magbago na… magbago na… MAGBAGO NA NG TITLE yung ibang show!”

Baka Bet Mo: Daria Ramirez naubos ang milyones sa annulment, nanawagan kay Joey de Leon: ‘Siguro naman nararamdaman mong kailangan ko ng tulong mo’

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Matatandaang nitong buwan lang nang panigan ng Intellectual Property Office sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey at sinabing sila ang “rightful owner” ng “Eat Bulaga” trademark.

Sa hiwalay na kaso ay dinismiss rin ng IPOPHL ang motion for reconsideration ng TAPE Inc matapos itong umapela sa naunang desisyon ng IPOPHL ukol sa pagiging rightful owner nila Joey sa trademark ng naturang noontime show.

Matatandaang sinabi na rin noong ng TVJ na sana ay respetuhin naman ng kabilang kampo ang naging desisyon ng batas at gobyerno sa kung sino ang tunay na nagmamay-ari ng trademark.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sey pa nga ng Tito, Vic, at Joey, gagamitin lang nilang muli ang titulong “Eat Bulaga” kapg tumigil na ang ibang show na gamitin ito.

Sa ngayon kasi ay patuloy pa ring gamit ng TAPE Inc ang “Eat Bulaga” hosted by Paolo Contis, Isko Moreno, Buboy Villar, at marami pang iba.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending