Joey de Leon may patikim sa bagong pasabog ng TVJ: ‘We are waiting for the return of another BOLA or BULA…gets nyo?’
MAY kanya-kanyang hula ang mga netizens sa bagong cryptic post ng Henyo Master na si Joey de Leon sa kanyang account sa X (dating Twitter).
Maraming na-curious at na-excite sa tila patikim ng veteran TV host-comedian sa mga loyal supporters ng TVJ at ng iba pa nilang kasamang Legit Dabarkads.
Sa kanyang official X account, nagbahagi ng makahulugang mensahe si Joey matapos makuha ng Gilas Pilipinas ang gold medal sa ginanap na Asian Games 2023.
Mensahe ng isa sa mga host ng noontime show na “E.A.T.” sa TV5, “Hindi lang pala Red Queso de Bola kundi Gold Medal for Basketball!
“Congrats Gilas! And while eating our Queso to celebrate, we are waiting for the return of another BOLA or BULA…gets nyo?” ang caption ng komedyante sa kanyang post.
Kasunod nito, nagbigay nga ang kanyang mga followers sa X ng iba’t ibang comments hinggol sa post ni Joey na karamihan ay nagsabing may konek ito sa mangyayaring pagbabago sa “E.A.T.” Narito ang komento ng ilang netizens.
“Ay wow mlpit n umuwi ang pngalan merry tlga Christmas nyo nyn.”
“Cringey jokes at its finest.”
“Corny mo talaga. pakyu!”
Baka Bet Mo: Joey de Leon may na-discover sa tunay na pangalan ni Maine Mendoza: Ito ang matindi…subukan n’yo!
“Gets na gets henyo master! Kaunting kembot na lng kanta na tayo nang ‘Eat Bulaga.’”
“Return of BULA would be the greatest Christmas present of all time.”
“BULA…..GAnern!!!”
“Mairelate lang talaga. hahaha. tulog na po tayo.”
“Gets na gets Sir Joey! Parang Pasko din, nararamdaman na namin na malapit na!”
“Cant wait po for the return of Eat Bulaga TVJ hehe”
“Tumatandang paurong ang tanders nato.”
Kung matatandaan, naging national issue ang usapin tungkol sa copyright ng “Eat Bulaga” sa pagitan ng TAPE Inc. at ng TVJ, partikular na kay Joey na siyang sinasabing utak sa likod ng title ng naturang noontime show.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.