Atasha Muhlach ganap nang legit Dabarkads, isa na sa mga hosts ng 'E.A.T.' | Bandera

Atasha Muhlach ganap nang legit Dabarkads, isa na sa mga hosts ng ‘E.A.T.’

Therese Arceo |September 23,2023
facebook
share this

Atasha Muhlach ganap nang legit Dabarkads, isa na sa mga hosts ng ‘E.A.T.’

Therese Arceo - September 23, 2023 - 10:39 PM

Atasha Muhlach ganap nang legit Dabarkads, isa na sa mga hosts ng 'E.A.T.'

IPINAKILALA na si Atasha Muhlach, anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez, bilang pinakabagong host ng noontime program na “E.A.T.”

Ngayong araw, September 23, ibinandera nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon ang kanilang bagong host bilang isang fashionista, magaling sa pag-aaral, performer, at family-oriented na dalaga.

Isang mainit na dance number naman ang inihanda ni Atasha para sa mga Dabarkads sa kanyang unang araw bilang parte ng “E.A.T”.

Lubos naman ang pasasalamat ng dalaga sa mainit na pagtanggap sa kanya ng bago niyang pamilya.

“Gusto ko lang sabihin [na] magandang tanghali sa inyong lahat! Maraming-maraming salamat po. Sobrang masaya po ako to be here sa E.A.T. kasama ng legit Dabarkads!” saad ni Atasha.

Dagdag pa niya, “Maraming salamat po sa warm welcome and I’m really excited to be part of such a beautiful and kind-hearted family.”

Baka Bet Mo: Atasha Muhlach 10 years old pa lang gusto nang mag-showbiz pero sinunod muna ang payo nina Aga at Charlene; gagawa ng pelikula, album sa Viva

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Si Atasha ang magsisilbing anak ni Papa Ethan at Mama Josie na apo ni Lola Belen at kapatid ni Ellen. Sila ang mga AI characters ng noontime program.

Maging sa official Instagram ng TVJ ay ibinandera nila ang newest member na makikipagkulitan tuwing pananghalian.

“Meet our new Dabarkads, Atasha Muhlach,” saad nito sa caption.

Bago pa maging parte ng “E.A.T” ay marami na ang humahanga sa dalaga dahil sa angkin nitong ganda at talino.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa katunayan, noong nagdaang Hulyo ay nagtapos ito with flying colors sa Nottingham Trent University sa programang Business Management.

Related Chika:
Aga, Charlene absent sa kasal nina Maja at Rambo bilang ninong at ninang, um-attend sa graduation ng anak sa Europe

Kambal na anak nina Aga at Charlene normal ang naging buhay noong bata, nakaranas ng iba’t ibang laro sa probinsya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending