Aga, Charlene absent sa kasal nina Maja at Rambo bilang ninong at ninang, um-attend sa graduation ng anak sa Europe | Bandera

Aga, Charlene absent sa kasal nina Maja at Rambo bilang ninong at ninang, um-attend sa graduation ng anak sa Europe

Reggee Bonoan |August 02,2023
facebook
share this

Aga, Charlene absent sa kasal nina Maja at Rambo bilang ninong at ninang, um-attend sa graduation ng anak sa Europe

Reggee Bonoan - August 02, 2023 - 09:07 AM

Aga, Charlene absent sa kasal nina Maja at Rambo bilang ninong at ninang, um-attend sa graduation ng anak sa Europe

Maja Salvador, Rambo Nunez, Aga Muhlach at Charlene Gonzales

HINDI nakadalo sa kasal nina Rambo Nuñez at Maja Salvador ang mag-asawang Aga Muhlach at Charlene Gonzales na ginanap sa isang five-star resort sa Bali, Indonesia.

Nasa Europe kasi ang celebrity couple para dumalo sa pagtatapos ng anak nilang si Atasha Muhlach sa Nottingham Trent University Business School.

Kinuhang ninong at ninang nina Rambo at Maja sina Aga at Charlene at masaya raw sila dahil magiging parte sila ng journey ng bagong kasal.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Aga Muhlach (@agamuhlach317)


Isa sa tinitingalang showbiz couple na sina Aga at Charlene dahil sa loob ng 22 years nila bilang mag-asawa ay hindi sila nabalitang nagkaroon ng problema sa kanilang pagsasam base na rin ito sa panayam nila kay Karen Davila sa YouTube Channel nito dalawang buwan na ang nakararaan.

Sabi nga ni Karen, “Makakausap natin ‘tong elusive couple na siguro sila ang simbolo ng matibay na pagsasama more than 20 years of marriage, what is the secret?”

Bukod dito ay ang ganda ng pagpapalaki nila sa kambal na anak na sina Andres at Atasha na pinapunta nila sa ibang bansa para mag-aral at matutong maging independent.

Baka Bet Mo: Billy umamin kay Korina, nagsimulang magtrabaho sa edad na 3 at naging pizza delivery boy

Pinauna ng mag-asawang Aga at Charlene na tapusin muna ng kambal ang kanilang pag-aaral at saka nila gawin kung anuman ang gusto nila tulad ni Atasha na tinapos muna ang kurso bago pumasok sa showbiz.

Anyway, ipinost ni Charlene ang prenup photos nina Rambo at Maja na kinunan sa Egypt. Ang caption na nakasulat ay, “(wedding ring emoji) Here’s to forever @rambonunez & @maja! Aga and I are very happy for you both!! Thank you as well for giving us the honor to be part of your lives as Godparents.

“We wish you both the utmost happiness and blessings as you embark in your new and exciting chapter in life. How we wish we could have been there in Bali to witness your union but know in spirit & in your hearts we were there with you.

“Maja!! You are the definition of a beautiful & blooming bride & Rambo, blooming and very handsome but more importantly, both of you have a heart of gold.

“Your genuine love and happiness radiates and what a joy it is to see two destined people together forever here’s to forever blissfulness for you both. We love you guys & know that Aga & I will always be here for you.  Much love and hugs from Europe. See you when we get back (emojis three hearts) Again, congratulations,” ang mensahe pa ni Charlene.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Rambo Nuñez Ortega (@rambonunez)


Sumagot agad ang hubby ni Maja ng, “We love you and Kuya @agamuhlach317.”

Pinuri naman ni @iamshienarealme sina Aga at Charlene, “Itong mga couple na’to ang gustong gusto ko. Aga & Charlene also Richard & Lucy. Mga idols.”

Nagbalik tanaw naman si @sannyboy73 sa ginawa niya kay Maja, “Remember Maja nu’ng ninakawan kita ng halik dito sa east cost?2018? during ur show? Congrats.”

Congratulations and Best wishes Rambo and Maja!

OOTD ni Xian Gaza patungong Europe umabot daw sa halagang P596,000; inokray-okray sina Andrea at Ricci

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Maja sa pagpapakasal kay Rambo: Napag-uusapan pero si God pa rin ang bahala, sa tamang panahon…

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending