Billy umamin kay Korina, nagsimulang magtrabaho sa edad na 3 at naging pizza delivery boy | Bandera

Billy umamin kay Korina, nagsimulang magtrabaho sa edad na 3 at naging pizza delivery boy

Ervin Santiago |December 24,2022
facebook
share this

Billy umamin kay Korina, nagsimulang magtrabaho sa edad na 3 at naging pizza delivery boy

Ervin Santiago - December 24, 2022 - 01:53 PM

Billy umamin kay Korina, nagsimulang magtrabaho sa edad na 3 at naging pizza delivery boy

Billy Crawford at Korina Sanchez

CERTIFIED international star ang TV host-actor-dancer na si Billy Crawford.

Bilang grand champion ng “Dancing With The Stars” sa France, na isa sa pinakapinapanood na TV show sa Europe, inamin ni Billy na parang hindi raw niya kakayanin ang mga challenges.

“Halos nagkabali-bali ang buto ko, nagpaturok ako ng kung anu-ano sa sakit sa buong katawan ko, halos di na ako makatayo minsan,” ayon kay Billy tungk sa pinagdaanang training at practice bago ang championship.

Paano siya nanalo? Mayroon ba siyang sikretong agimat o anting-anting? Yan ang sasagutin ni Billy sa “Korina Interviews” ngayong Linggo (5 p.m.) sa NET 25.

Hosted by multi award-winning broadcast journalist Korina Sanchez Roxas, ibabandera ni Billy sa pinakapinag-uusapan at polished na interview shows sa telebisyon ngayon.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Billy Crawford (@billycrawford)


“We try to just keep it as real as possible. Like two friends talking over drinks. No pretensions. Equal kami. It works. Fun, connected, at totoo. Kaya siguro ang tao, kumakapit,” sabi ni Koring about her  new talk show.

Ikinuwento ni Billy kay Korina na nagsimula siyang magtrabaho sa edad na 3. Ano kaya ang work na ito na hanggang ngayon ay hinding-hindi pa rin nakakalimutan ng TV host.

Naibahagi rin niya ang pag-alis niya sa Pilipinas para manirahan sa Amerika, ang pagtatrabaho niya bilang pizza delivery boy, ang kanyang pagkabigo at pagsikat sa Europe at ang paglisan niya sa Europe upang umuwi sa Pilipinas.

Hanggang sa muli nga siyang yakapin ng mga taga-Europe nang mag-join sa reality dancing competition ng “Dancing With The Stars.”

“What a life. Billy is more than just this moment,” sabi ni Korina matapos siyang maluha sa kuwento ng buhay ni Billy.

Hirit ni Billy Crawford kay Luis Manzano: Magbago ka na may anak ka nang parating!

Billy Crawford hindi pa rin nakakausap sina Vice Ganda at Anne Curtis matapos lumipat sa TV5

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Billy pumapasok noon sa ‘It’s Showtime’ nang lasing; muntik nang hindi matuloy ang kasal nila ni Coleen

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending