Billy Crawford hindi pa rin nakakausap sina Vice Ganda at Anne Curtis matapos lumipat sa TV5 | Bandera

Billy Crawford hindi pa rin nakakausap sina Vice Ganda at Anne Curtis matapos lumipat sa TV5

Therese Arceo - July 20, 2022 - 04:34 PM

Billy Crawford hindi pa rin nakakausap sina Vice Ganda at Anne Curtis matapos lumipat sa TV5
INAMIN ng singer-actor at TV host na si Billy Crawford na magpahanggang ngayon ay hindi pa rin niya nakakausap ang mga kaibigang sina Anne Curtis at Vice Ganda buhat nang lumipat siya sa TV5.

Bagama’t mapapanood na ang “It’s Showtime” ka-back-to-back ng “Lunch Loud” na kasalukuyang noontime show na kinabibilangan ng asawa ni Coleen simulas noong July 16 ay hindi pa rin nagkakakroon ng pagkakataon na msg-usap ang tatlo.

“Hindi pa kami nag-uusap-usap,” amin ni Billy.

Sa kabila naman nito ay nakausap naman daw niya ang kanyang “Kuys” na si Vhong Navarro nang mag-krus ang landas nilang dalawa.

“Si Vhong nakausap ko noong isang araw. Nagtawanan kami. Sabi ko batiin niya ako. Sabi niya ‘Nagpapabati si Bossing’. Sabi ko, ‘Ako babati kay bossing. Ikaw batiin mo ako’,”pagbabahagi ni Billy.

Hindi pa rin naman mawawala ang mga taong nang-iintriga sa pagsasanib-pwersa ng dalawang programa at iniisip na kompetensya pa rin ang namamagitan sa dalawa lalo na’t maraming naging isyu sa pagitan nila.

“Kami dito ay we’re just really excited na live kami for the first time in almost mag-tu-two years na ata na taping kami nang taping.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Billy Crawford (@billycrawford)

Naniniwala naman si Billy na darating rin ang panahon na muli niyang makakausap ang iba pang mga kaibigan

“At the end of the day, kahit papaano we’re joining forces, ika nga, there’s two separate shows naman e kahit papaano. Yung magkakatagpo-tagpo talaga physical, we will just have to see,” pagpapatuloy niya.

Pero thankful pa rin daw si Billy na hanggang ngayon ay may naminiwala pa rin sa kanya at nagbibigay ng trabaho sa kanya at ang madlang pipol talaga ang wagi sa pagsasama ng dalawang shows.

“I think panahon na para sa taumbayan na mag-saya. Siguro nadadaan na tayo sa napakalungkot na pangyayari sa bansa natin pero itong bagong pangyayari sa telebisyon, first time nga na mangyayari is mag-a-absorb nga ang both networks as one e hindi pa nangyayari.

“We’re not here to compete. Nandito kami para magpasaya. Nandito kami para magbigay tulong sa mga manonood. Nagagawa na namin yun at nabigyan pa kami ng pagkakataon na lakihan ang aming pamilya, na lakihan ang oportunidad namin na makatulong,” sey ni Billy.

Dagdag pa niya, “Ang mananalo dapat dito ay yung mga tao, mga viewers, hindi kami. We are not doing this for us, hindi kami nakikipag-compete kahit kanino.”

2020 nang magdesisyon si Billy na mag-over da bakod sa TV5 kung saan una niyang naging programa ang pagho-host ng reality singing show na “The Masked Singer” at Oktubre 2020 naman nang umere ang “Lunch Out Loud” na naging kakumpetensya ng “It’s Showtime” bilang noontime show.

Related Chika:
Vice Ganda hinamon si Anne Curtis: Hindi mo kayang mag-selfie ng nagpa-pump ng gatas

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Billy tinawag ni Cristy Fermin ng ‘Bully Crawford’; nanawagang itigil na ang ‘LOL’

Billy ibinuking si Coleen: Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil kuripot ang asawa ko!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending