Billy tinawag ni Cristy Fermin ng 'Bully Crawford'; nanawagang itigil na ang 'LOL' Bandera

Billy tinawag ni Cristy Fermin ng ‘Bully Crawford’; nanawagang itigil na ang ‘LOL’

Therese Arceo |November 24,2021
share this

Billy tinawag ni Cristy Fermin ng ‘Bully Crawford’; nanawagang itigil na ang ‘LOL’

Therese Arceo November 24, 2021 - 08:18 PM

Billy tinawag ni Cristy Fermin ng 'Bully Crawford'; nanawagang itigil na ang 'LOL'

NAPAG-USAPAN nina Cristy Fermin, Lolit Solis, at Mr. Fu ang isa sa mga TV hosts ng noontime show na “Lunch Out Loud” na si Billy Crawford sa kanilang “Take It Per Minute, Me Ganun” episode noong Nobyembre 23.

Nagsimula ang kanilang usapan nang tanungin ni Mr. Fu kung umeere pa ba ang “Lunch Out Loud”.

“Ay nako! Wala na akong pakialam dyan,” sey ni Nay Cristy.

“Yung pinakaleader na host dyan, di ba si Billy Crawford?” muling tanong ni Mr. Fu.

“Bully! Bully Crawford. Mambu-bully ‘yun e,” saad muli ni Nay Cristy.

“Di ba may ginawa daw siya doon sa Jeffrey Tam?” singit ni Manay Lolit.

Dito na nga nila pinag-usapan ang isang insidente kung saan sangkot sina Billy Crawford at Jeffrey Tam.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Lunch Out Loud (@lunchoutloudph)

“Sinipa niya (Billy) ‘yung karton, bumagsak si Jeffrey Tam sa entablado. Nagkaroon ng ano sa spine niya, e.

“Ang sabi niya (Billy) kaya raw niya ginawa ‘yun dahil tinuro daw ni Bayani. Si Bayani ba gaganun? Bakit naman niya susundin?” pagbabahagi ni Nay Cristy.

Hindi naman binanggit nina Nay Cristy kung kailan ba eksaktong nangyari ang insidenteng ito.

Dagdag pa ni Nay Cristy, ipinagamot naman daw ito ng produksyon ng “LOL” kaya ngayon ay okay na si Jeffrey Tam.

Pero paano raw kung sakaling naging fatal ang nangyari kay Jeffrey Tam, walang magiging kapalit na kahit ano ang magiging dulot nito kahit pa ipagamot siya ng produksyon.

Dito nga ay nanawagan sina Nay Cristy at Manay Lolit na ipatigil na ang produksyon ng “Lunch Out Loud”.

“Oo, true. Successful naman ang ibang business niya kaso ito, mukhang hindi para sa kanya,” sey ni Manay Lolit.

Dagdag pa niya, mukhang hindi raw para kay Cong. Albee Benitez ang showbiz kaya mas makakabuti kung ititigil na lamang niya ang pagpo-produce.

Related Chika:
Billy sa lahat ng haters: I’m not perfect, nagkakamali lahat ng tao

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending