Billy sa lahat ng haters: I'm not perfect, nagkakamali lahat ng tao Bandera

Billy sa lahat ng haters: I’m not perfect, nagkakamali lahat ng tao

Ervin Santiago |May 16,2021
share this

Billy sa lahat ng haters: I’m not perfect, nagkakamali lahat ng tao

Ervin Santiago May 16, 2021 - 10:34 AM

NAGLABAS ng saloobin ang TV host-singer na si Billy Crawford tungkol sa sinasabi ng mga bashers na hindi niya deserve maging asawa ni Coleen Garcia at maging tatay ni Baby Amari.

Hindi na nakatiis si Billy at talagang nagsalita na siya on national TV laban sa mga taong kumukuwestiyon sa kanyang pagiging padre de pamilya.

Ngayong araw, May 16, ang 39th birthday ni Billy at bilang bahagi ng kanyang selebrasyon, ang asawang si Coleen at ang BFF nitong si Ria Atayde naging celebrity players sa episode kagabi ng game show niyang “The Wall Philippines” sa TV5.

Dito, ipinalabas ang video greetings ng mga kaibigan ng TV host at habang pinanonood ang mga bumabati sa kanya ay hindi na nga napigilan ni Billy ang maluha.

“God really knows when He works and when He’s there. Thank you for all the blessings and all the wonderful words,” simulang mensahe ni Billy.

“I am not perfect. We are all judged and at the end of the day, nagkakamali lahat ng tao. This I speak on behalf of everyone because nakakarinig na rin ako ng…

“You know what, I’ve seen these, gusto ko lang i-ano. Since it’s my birthday, pagbigyan niyo na ako,” sabi pa ng mister ni Coleen.

Patuloy pa niya, “I’ve seen these and this hurt me the most where mga sinasabi ng tao that I don’t deserve Amari, that you (Coleen) deserve someone better and that you should be with someone that could cater to our son.

“But ito lang ang gusto kong sabihin sa lahat, everyone that has been doubting me as a person and has said so many things about me and my family, listen, since favorite church namin ang nagpakilala sa inyo ngayon, I forgive you guys.

“God bless everyone and sana we all wake up and just accept that we are all sinners.

“Nagkakamali po tayo, but this day I will claim that God is with us, in our family,” ang emosyonal pang pahayag ni ang sabi ni Billy para sa lahat ng walang tigil na bumabatikos at bumabanat sa kanya bilang ama at asawa.

The hottest celebrity news delivered to your inbox

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending