OOTD ni Xian Gaza patungong Europe umabot daw sa halagang P596,000; inokray-okray sina Andrea at Ricci | Bandera

OOTD ni Xian Gaza patungong Europe umabot daw sa halagang P596,000; inokray-okray sina Andrea at Ricci

Ervin Santiago |April 12,2022
facebook
share this

OOTD ni Xian Gaza patungong Europe umabot daw sa halagang P596,000; inokray-okray sina Andrea at Ricci

Ervin Santiago - April 12, 2022 - 11:58 AM

Xian Gaza, Andrea Brillantes at Ricci Rivero

GALIT na galit ang mga supporters ng magdyowang Andrea Brillantes at Ricci Rivero sa tinaguriang “Pambansang Marites” na si Xian Gaza.

Ayaw pa rin kasing tantanan ng kontrobersiyal na social media personality ang Kapamilya actress at ang basketball player matapos ang viral “proposal” ng huli para maging girlfriend si Andrea.

Sa kanyang Facebook account, nag-post si Xian ng mensahe tungkol sa young actress at sa pagsagot niya ng “yes” nang tanungin siya ni Ricci kung payag siyang maging girlfriend nito.

Pang-aasar ni Xian sa dalaga, “After mag-drama sa TikTok at umeksena kay Francine at Seth eh biglang nagpatuhog sa basketball player. Bida-bida ampucha.

May ipinost pa siyang dialogue umano ng aktres patungkol sa “proposal” ni Ricci, “‘Baby, mag-propose ka sa akin after the game para bida na naman ako.

“‘Kunyare hindi pa tayo kahit sinagot na kita last week. Eeksena ako syempre. Shookt na shookt ang peg.

“‘Nasabihan ko na yung mga kukuha ng video. Kapag hinawakan mo na yung mic eh yun na ang cue nila to record us. Okay? I love you Ricci ng buhay ko! Muah!'” ang pang-ookray pa ni Xian kay Andrea.


Kasunod nito, si Ricci naman ang napagdiskitahan ni Xian at sinagot ang comment nito sa post ni Sharlene San Pedro na wala raw nagkakagusto sa kanya kaya dahil puro fake news ang inilalabas niya sa social media.

Walang binanggit na pangalan si Xian pero tumbok na tumbok ng netizens na si Ricci ang pinatatamaan nito.

Hirit ng online personality, “Walang nagkakagusto sa akin kasi hindi naman ako basketball player. Milyonaryo lang ako.

“Try mo alisin yang basketball sa buhay mo eh mukha kang poging tambay sa kanto na suma-sideline sa parlor tuwing alas tres ng madaling araw. Promise,” pahayag pa ni Xian.

Wala pang reaksyon ang magdyowa sa mga patutsada ni Xian sa kanila. Pero agad naman silang ipinagtanggol ng fans at sinabing huwag na lang pansinin ang socmed influencer para wala na itong mahitang exposure sa kanila.


Samantala, ibinandera rin ni Xian ang halaga ng kanyang OOTD nang bumiyahe patungong Europe. Aniya, umabot sa P596,000 ang total price ng lahat ng suot niya.

Aniya sa caption ng kanyang litrato sa airport: “Gucci Cap = 25K; Oakley Eyeglasses = 18K; Balmain Shirt = 14K; Nike ACG Jacket = 12K; Brooks Brothers Pants = 5K; Calvin Klein Boxer Brief = 2K; LV Shoes = 75K; LV Sling Bag = 155K; LV Luggage = 190K; Rimowa Luggage = 100K; Cash sa loob ng bag = secret.

“Total: 596,000 pesos — Ako na mismo ang nag-compute para sa mga haters ko. I-bash man nila ako today eh at least maramdaman nila kung gaano sila kahirap habang nagbibihis mamaya. Mag-kape lang ako sa Paris. brb,” pagmamalaki pa niya.

Sa isa pa niyang post na kuha pa rin sa airport ito ang kanyang caption, “First time makasakay sa largest commercial aircraft in the world, Airbus A380-800.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So happy! Thank you Lord! Economy class with extra legroom lang ako ngayon kasi bina-budget ko yung 1.5 million pesos ko for my Europe trip. Tipid-tipid muna,” chika ni Xian.

Andrea Brillantes, Ricci Rivero ‘dating’ na ayon sa source ni Mama Loi

Ricci Rivero ‘nag-propose’ kay Andrea Brillantes pagkatapos ng UAAP game: Grabe naman yun, Lord!

Ricci Rivero pasabog ang charity project para sa ‘UP Ikot’ drivers; P250 donasyon kada puntos sa UAAP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending