Vice Ganda laging biktima ng fake quotes, nagbabala sa publiko
MAS tumindi pa ang isyu at problema ng Pilipinas sa pagkalat ng mga fake news sa social media dahil sa pagdami ng mga iresponsableng vlogger.
Maraming celebrities na at kilalang personalidad ang nabiktima ng mga pekeng balita na ipinakakalat ng mga content creator sa kani-kanilang platforms, lalo na sa YouTube.
Ang latest nga ay ang pagkalat ng ilang vlogs na nagsasabing nabuntis daw ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang TV host at “Eat Bulaga” Dabarkads na si Atasha Muhlach.
Baka Bet Mo: Claudine sa viral ‘quote card’ niya tungkol kay Rico: ‘FAKE NEWS!!!’
Mismong si Atasha na ang nagsabing fake news ang naturang balita base sa panayam ni Ogie Diaz, “Nagtataka rin ako. Hindi ko alam ‘yun kasi unang-una hindi pa po kami nagkikita.”
View this post on Instagram
Sabi naman ni Mama Ogs, “So in other words, ‘yun pong mga pinapanood ninyo na kaagad-agad napaniwalaan ninyo, mga fake news po ‘yan.
“Dahil usung-uso po ‘yan sa YoTube, yung mga nag-iimbento ng mga balita, tapos wala naman silang mga sources,” aniya pa.
Samantala, nagbigay din ng paalala at warning ang TV host-comedian na si Vice Ganda sa patuloy na pagpapakalat ng fake news sa pamamagitan ng socmed.
Sa isang episode ng “EXpecially For You” ng “It’s Showtime” kung saan sumalang ang dating magdyowang sina CJ at Zach ay naibahagi nilang nakaka-relate raw sila sa mga inspirational qoutes na nababasa nila sa social media.
Baka Bet Mo: Sharon tama ang pagpili kay Kiko, payo sa mga in love: Choose wisely!
Sabi ng searcher na si CJ, ilan sa mga nabasa niyang inspirational quotes sa socmed ay galing daw mismo kay Vice Ganda
Kasunod nga nito ay nagsalita si Vice at nagpaliwanag tungkol sa mga quotes na nakapangalan sa kanya na ang iba’y hindi naman talaga niya sinabi o ipinost.
View this post on Instagram
“Ito ang pagkakamali ng marami. Katulad ng mga nababasa n’yo na quote tungkol sa akin, by the way hindi lahat ng mga nababasa ninyong quote sa Facebook ay totoong nanggaling sa akin,” paglilinaw ni Vice.
“Ang dami kong nababasa na Vice Ganda quote…kailan ko ‘to sinabi, kailan ko ito na tweet? Tatawag pa ako sa social media team ko, ‘na tweet ko ba to?
“‘Check niyo nga bakit ganito?’ Tapos sasabihin nila ‘fake yan teh,’ tapos makikita mo ang daming comments,” paglilinaw pa ni Vice.
“Tapos ‘yung comment ko sa lahat ng issues, (napapaisip ako) nag-comment ba ako diyan? Nag-comment ba ako kay Dennis Trillo? ‘Yung ganu’n, iyung ang dami talaga.
“Hindi lahat ng nababasa niyong qoute na nakalagay ay Vice Ganda totoo po ‘yun, kaya bahala po kayo kung gusto niyong magpaniwala,” sey ng TV host.
Pinaalalahanan din ni Vice ang dating couple sa “EXpecially For You” sa pagkukumpara ng kanilang personal na buhay sa mga nababasa nila sa socmed.
“Iyung mga nababasa niyo ay ayun ay base sa kanilang istorya at karanasan, at wag natin na ‘yung istorya nila ay dapat iyun ang istorya ninyo,” sabi pa ni Vice.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.