Claudine nagbabala sa viral ‘quote card’ niya tungkol kay Rico

Claudine sa viral ‘quote card’ niya tungkol kay Rico: ‘FAKE NEWS!!!’

Pauline del Rosario - July 14, 2024 - 05:20 PM

Claudine sa viral ‘quote card’ niya tungkol kay Rico: ‘FAKE NEWS!!!’

PHOTO: Instagram/@claubarretto

MAY babala ang batikang aktres na si Claudine Barretto sa isang quote card daw niya na nag-viral recently.

Ito ‘yung reaksyon umano niya sa fans na bumisita sa puntod ng yumaong dating boyfriend na si Rico Yan.

Giit ni Claudine sa isang Instagram post, wala siyang sinabing ganu’n at ito ay peke!

Ibinandera pa nga ng aktres ang screenshot ng tinutukoy niyang nagpapakalat ng pekeng balita.

At ang mababasang nakalagay sa viral post:

Baka Bet Mo: Julia, Joshua nag-ala Claudine Barretto at Rico Yan, fans kilig na kilig

“Please respeto kay Yan. Tinalo niyo pa ako sa mga pa-time lapse niyo. Wag niyo ipilit ang pag-alala kay Yan, hindi niyo naman siya naabutan. Wag niyong gawing content ang puntod niya.”

Sa caption ni Claudine, makikita ang capital letters na: “FAKE NEWS!!!!! [shocked emoji].”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Margaret Barretto (@claubarretto)

Sa comment section, maraming fans ang nagbigay ng suporta kay Claudine at narito ang ilan sa mga sinabi nila:

“DIKA NILA MAPEPEKE MS CLAU, KILALA NAMIN ANG TUNAY NA IKAW! [red heart emoji]”

“We believe in you Ms. Clau, you’re the one who said it na WAG KALIMUTAN SI RICO [red heart emojis]”

“Ang iba kasi ginagamit ang kasikatan ni [Rico Yan] kaya naman wala nang respeto ang iba.”

“Let’s not support fake news, we know na hindi po kayo ‘yan Ms. Claudine, we love you po!!”

“FAKE NEWS tuwang tuwa pa nga si Ms @claubarretto kapag inaalala si Sir Rico Yan.”

Magugunitang nabuhay sa social media ang yumaong aktor matapos magsilabasan ang ilang TikTok videos na binibisita ng ilang new generation ang puntod nito.

Nakarating na ito sa kapatid ni Rico na si Bobby at ayon sa inilabas niyang pahayag, “It’s nothing to be concerned about for now. We welcome po anyone from anywhere. We support all generations. Rico’s heart was for the youth. I imagine Rico won’t turn Gen-Z away at all.”

Ani pa niya, “If our caretaker says it is getting bothersome to our neighbors or otherwise in (Manila Memorial Park), I shall reach out po at once.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kung matatandaan, March 2002 nang pumanaw si Rico habang nasa bakasyon sa Puerto Princesa, Palawan.

Siya ay nag-cardiac arrest habang natutulog na komplikasyon ng acute hemorrhagic pancreatitis. Siya ay nasa edad 27.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending