Julia Barretto iniintrigang anak nina Claudine at Rico Yan

Julia Barretto iniintrigang anak nina Claudine at Rico Yan

Therese Arceo - July 11, 2024 - 05:12 PM

Julia Barretto iniintrigang anak nina Claudine at Rico Yan

ISANG nakakalokang “conspiracy theory” ang kumakalat ngayon sa social media patungkol kay Julia Barretto pati na rin sa kanyang tiyahin na si Claudine Barretto at yumao nitong ex-boyfriend na si Rico Yan.

Kamakailan ay nagiging matunog ang pangalan ng yumaong aktor matapos gawing content ng ilang mga netizens ang pagdalaw sa puntod niya na matatagpuan sa Manila Memorial Park.

At ngayon nga ay patuloy na umuugong ang pangalan ni Rico at this time ay tungkol naman sa kanilang naging relasyon nila ni Claudine kung saan dawit si Julia.

Ayon sa chika, baka raw tunay na anak talga ng dalawa ang dalaga.

Baka Bet Mo: Hirit ni Joshua Garcia kay Julia Barretto: Kinuha mo virginity ko!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“What if anak talaga ni Rico Yan at Claudine Baretto si Julia Barretto, hindi lang tanggap ni claudine na wala na si Rico Yan kaya binigay niya si Julia Baretto sa kapatid niya,” saad ng isang netizen sa kanyang TikTok content.

Sa katunayan ay nai-post rin ito ng Facebook page na “Pinoy Trending”.

Marami sa mga netizens ang nagsasabing imposible raw na mangyari ito dahil wala naman daw naiulat na nagkaroon ng anak sina Claudine at Rico noong magkarelasyon pa ito.

Bukod pa rito, ang tunay na magulang ni Julia ay sina Marjorie Barretto at Dennis Padilla.

Sa ngayon ay wala pa namang pahayag ang mga Barretto hinggil sa mga kumakalat na chika tungkol sa kanila.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending