Hirit ni Joshua Garcia kay Julia Barretto: Kinuha mo virginity ko!

Hirit ni Joshua Garcia kay Julia Barretto: Kinuha mo virginity ko!

Ervin Santiago - June 17, 2024 - 11:23 AM

Hirit ni Joshua Garcia kay Julia Barretto: Kinuha mo virginity ko!

Joshua Garcia at Julia Barretto

PAK! Pak! Pak! ‘Yan ang reaksyon ng netizens sa inilabas na teaser ng Star Cinema para sa reunion movie ng ex-couple na sina Joshua Garcia at Julia Barretto.

Sa pamamagitan ng Instagram, ibinahagi ng Star Cinema at Viva Films sa madlang pipol ang naganap na script reading ng cast members para sa upcoming movie nilang “UnHappy For You”.

Kasabay nito ang pagpapakilala sa iba pang artistang makakasama sa comeback film nina Julia at Joshua, kabilang na riyan sina Kaila Estrada at Aljon Mendoza.

Baka Bet Mo: Mavy, Kyline nape-pressure sa ‘Love At First Read’ na pumalit sa ‘Family Feud’, humingi ng advice kay Dingdong

Ilan pa sa nakita namin sa script reading session ng “UnHappy For You” sina Bong Gonzales, Meanne Espinosa at Nonie Buencamino.

In fairness, nakakaloka nga ang mga linyahan at hugutan ng nga karakter nina Julia at Joshua sa pelikula at script reading pa lang ay nakakakilig at nakaka-excite na ang batuhan nila ng dialogue.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by ABS-CBN Films, Star Cinema (@starcinema)


Isa na nga riyan ang linyang binitawan ni Julia tungkol sa virginity ng karakter ni Joshua na hindi naman nagpatalbog sa  naging resbak niya sa dating dyowa (in real and reel life).

“Babaeng tapang-tapangan pero iyakin naman,” hirit ni Joshua kay Julia na sinagot ng dalaga ng, “Lalaking probinsyanong virgin!”

“Kinuha mo virginity ko,” ang sagot naman ni Joshua kay Julia.

Baka Bet Mo: Maxene Magalona game na game na nagpa-tarot card reading: It’s just a fun and cool way of asking signs from the Universe…

Ito pa ang isang linya na binigkas ni Joshua para sa karakter ni Julia sa kanilang script reading, “Sa dinami-rami ng naluto ko, natikman ko, ‘yung mga yakap mo, ‘yung mga labi mo, ‘yung pagmamahal mo ang pinakamasarap.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by BENCH/ lifestyle + clothing (@benchtm)


Kung hindi kami nagkakamali, ito rin ang magsisilbing reunion movie nina Kaila, Aljon at Joshua matapos silang magkatrabaho sa Kapamya series na “Viral Scandal.”

Mahigit isang milyong views na ang hinamig ng script reading at cast reveal para sa “UnHappy For You” na showing na sa mga sinehan sa August 14.

Samantala, pareho nang masaya ngayon sa kani-kanilang personal life sina Joshua at Julia.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Super happy na si Julia sa piling ni Gerald Anderson habang going stronger naman ang nagsisimula pa lamang na relasyon ni Joshua sa atletang si Emilienne Vigier.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending