Anne Curtis, Joshua Garcia wala daw chemistry?
MARAMI ang nag-react sa naging anunsyo ng ABS-CBN ukol sa Pinoy adaptation ng South Korean series na “It’s Okay Not To Be Okay” na pagbibidahan nina Anne Curtis, Joshua Garcia, at Carlo Aquino.
Hindi pa kasi nagsisimula ang kanilang paggawa sa series ay marami na agad ang nagsasabi na tila wala raw chemistry ang dalawang gaganap sa lead role na counterpart nina Seo Ye Jo at Kim Soo Hyun.
Sa isang parte ng press conference nila nitong Biyernes, May 17, nagkaroon ng challenge sina Joshua at Anne kung saan nagtitigan ang dalawa.
Aminado naman ang aktor sa tinaguriang “Diyosa” ng showbiz.
Baka Bet Mo: Anne Curtis, Joshua Garcia, Carlo Aquino bibida sa ‘It’s Okay Not To Be Okay’
Bandera IG
Agad nga itong nag-trending sa X kung saan naglabas ng saloobin ang mga netizens ukol sa kanilang naging obserbasyon sa dalawa.
“di sa nang jujudge pero kahit dipa start ito wala talagang chemistry [Joshua at Anne]. Hindi lng ako marami kami, sisirain niyo ung IONTBO. hay naku,” saad ng isang netizen.
Sey naman ng isa, “walang chemistry jusmiyo..bakit IOTNBO pa ang napagdiskitahan nyo, please naman.”
“I hope nakikinig naman sila sa fans na hindi talaga si joshua for Kim so hyun vibe,” hirit naman ng isa.
Ibinahagi naman ni Anne ang post ng isang netizen ng larawan ng kanilang naging titigan.
“He’s a shy boy [emoji] @iamjoshuagarcia we got this!” saad niya sa caption ng kanyang post.
May mga nagtatanggol naman sa tatlo at sinabing hintayin munang umere ang kanilang bersyon at saka ito husgahan kung hindi ba talaga sila bagay.
Naungkat pa nga ng iba ang naging pambabatikos sa tambalan nina Alden at Kathryn sa “Hello, Love, Goodbye” ngunit matapos ang pelikula ay talagang minahal ng publiko ang kanilang tambalan.
Samantala, ito naman ang magsisilbing comeback project ni Anne sa telebisyon.
2014 pa nang huling bumida sa teleserye ang celebrity mom sa “Dyesebel” ni Mars Ravelo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.