#SanaAll: Anne Curtis na-meet sina Jake, Sunghoon ng ENHYPEN

#SanaAll: Anne Curtis na-meet sina Jake, Sunghoon ng ENHYPEN

Pauline del Rosario - May 02, 2024 - 10:44 AM

#SanaAll: Anne Curtis na-meet sina Jake, Sunghoon ng ENHYPEN

PHOTO: Instagram/@annecurtissmith

ANG swerte talaga ni Anne Curtis, lalo na pagdating sa mga iniidolo niyang Korean idols.

Na-meet niya kasi sa personal at nakapagpa-picture pa siya sa K-Pop boy group members na sina Jake at Sunghoon ng ENHYPEN habang sila’y nasa elevator.

Sa Instagram, ibinandera ni Anne ang ilang highlights noong Abril at makikita sa mga litrato na kasama roon ang ENHYPEN members.

Caption pa niya sa litrato, “Tiffany elevator buddies.”

Baka Bet Mo: Pia kilig na kilig nang ma-meet si Blackpink Lisa, iba pang K-Pop stars

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Anne Curtis (@annecurtissmith)

Hindi naman sikreto na matagal nang fan ng K-Drama at K-Pop si Anne mula pa noong 2017.

Sa paglipas ng panahon, talagang marami na siyang na-meet when it comes to Korean stars.

Ilan na lang diyan ang kanyang ultimate favorite Oppa na si Gong Yoo, ang apat na miyembro ng Blackpink, si Nam Joo Hyuk, Park Bo gum, Sehun ng EXO at ang K-Pop idol-actress na si IU.

Para sa kaalaman ng marami, si Anne at ang dalawang K-Pop idol ang ilan lamang sa mga ambassadors ng isang high-end luxury brand kasama ang ilan pang bigating celebrities at personalidad sa iba’t-ibang bansa.

Kasama riyan ang Blackpink member na si Rosé, ang Brazilian actress na si Bruna Marquezine, at K-pop soloist na si Rowoon.

Maliban sa “It’s Showtime” host, suki rin sa Korean celebrities ang fashion icon na si Heart Evangelista.

Nakapag-meet and greet siya kasama sina Lee Min-Ho, Song Hye Kyo, dating miyembro ng Girls Generation na si Jessica Jung, Kim Mingyu ng Seventeen, Ji Chang Wook, dating member ng f(x) na si Krystal Jung, at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ayon sa isang pag-aaral, ang Pilipinas ang isa sa “biggest consumers” ng K-Drama at K-Pop.

“K-culture is gaining global popularity, and the Philippines is not so far geographically, so they’re able to access it more easily. And Koreans visit the Philippines more often, so they have contact with Korea, and I think that’s why they come across it a lot,” sey ng Asian Boss, isang South Korean YouTube na dedicated mag-document, magpaliwanag at ikalat ang kultura at modern life sa ilang Asian countries.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending