‘Iti Mapupukaw’ nina Dolly de Leon at Carlo Aquino babandera sa Oscars 2024
NAPILI na ng Film Academy of the Philippines o FAP ang entry ng Pilipinas para sa 96th Academy awards o Oscars sa 2024.
Ang pelikulang “Iti Mapupukaw”, first animated film nina Dolly De Leon at Carlo Aquino ang ipadadala sa Oscars na gaganapin sa March 10, 2024 sa Dolby Theater, Los Angeles USA.
Ang nasabing pelikula ay nagpanalo kay Dolly bilang Best supporting Actress sa nakaraang 19th Cinemalaya 2023 Independent Film Festival at napili ring Best Film at NETPAC award.
Matatandaang nasulat namin dito sa BANDERA na pitong pelikula ang nagsumite sa FAP para sa Oscars, “Ang Mamasapano”, “I Love Lizzy”, “A Very Good Girl”, “Ang Duyan ng Magiting”, “Family Matters” at “About Us But Not About Us”.
Baka Bet Mo: LIST: Big winners ng Cinemalaya 2023; ‘Iti Mapupukaw,’ ‘Rookie’ humakot ng parangal
Sa kasalukuyan ay wala pang feedback mula kina Dolly at Carlo tungkol dito.
Related Chika:
Anong pelikula kaya ang magiging pambato ng Pilipinas sa Oscars Awards?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.