Julia, Joshua nag-ala Claudine Barretto at Rico Yan, fans kinilig

Julia, Joshua nag-ala Claudine Barretto at Rico Yan, fans kilig na kilig

Pauline del Rosario - July 14, 2024 - 10:58 AM

Julia, Joshua nag-ala Claudine Barretto at Rico Yan, fans kilig na kilig

PHOTO: Instagram/@starmagicphils

KILIG overload ang maraming fans sa on-screen partners na sina Julia Barretto at Joshua Garcia.

Ito ay matapos ibandera ng Star Magic ang video ng dalawa na nag-ala Claudine Barretto at Rico Yan sa isang eksena ng 1998 drama romance na “Dahil Mahal na Mahal Kita.”

Mapapanood sa video na magkatinginan ang dalawa habang nili-lipsync ang mga linyahan ng iconic love team.

Rico: “Wag mo sila pansinin.”

Claudine: “Bakit?”

Rico: “Kasi inggit sila.”

Baka Bet Mo: Julia Barretto iniintrigang anak nina Claudine at Rico Yan

Claudine: “Why?”

Rico: “Kasi akin ka.”

@absstarcinema Balikan na ba? 😊 Relapse malala muna sa sinehan this August 14 sa #UnHappyForYou! ❤️‍🩹 @JOSHUA GARCIA @Julia Barretto #JoshuaGarcia #JuliaBarretto #PetersenVargas #NewMovie #movies ♬ wag mo silang pansinin – ★

As of this writing, ang re-creation scene nina Julia at Joshua ay umaani na ng mahigit 4.5 million views, 778,200 likes at 7,053 comments.

Sa comment section, maraming fans ang nagsasabi na ang dalawa ang “ultimate RYCB” (ang love team name nina Claudine at Rico) sa panahong ito.

Narito ang ilan sa mga nabasa namin:

“They’re sooo rico and claudine-coded [crying emojis].”

“JoshLia with this audio?!?!? Oh please. Kuhang-kuha niyo kami. What if more pa with RYCB audios?”

May mga nagsasabi pa na dapat magkaroon ng remake ang nabanggit na iconic film at may iilan pang nagulat dahil kaboses raw ni Julia ang tiyahin nito.

Heto ang mga sinabi ng netizens:

“JOSHLIA FOR ‘DAHIL MAHAL NA MAHAL KITA’ PLEASEEEEEEEEE.”

“Kaboses na kaboses ni julia si claudine.”

Alam naman ng lahat na pamangkin ni Claudine si Julia, pero ang pagkakatulad ng dating love team at ng JoshLia ay pareho silang exes.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Naging magdyowa rin kasi noon sina Claudine at Rico, pero nagkahiwalay rin.

Ang batikang aktor ay pumanaw noong 2002 dahil sa cardiac arrest due to acute hemorrhagic pancreatitis.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending