Julia Barretto, Joshua Garcia umamin, na-miss ang isa't isa?

Julia Barretto, Joshua Garcia umamin, na-miss ang isa’t isa?

Reggee Bonoan - July 11, 2024 - 06:40 PM

Julia Barretto, Joshua Garcia umamin, na-miss ang isa't isa?

“NAGAWA na naming ‘to dati, eh. Ginawa na namin,” ito ang diing sabi ni Julia Barretto sa mediacon ng pelikulang “Un/Happy For You” na ginanap sa Dolphy Theater nitong Miyerkoles ng gabi.

Tinanong kasi siya at ang leading man niyang si Joshua Garcia kung ano ang ipagpapasalamat kung ano ihihingi ng kapatawan sa isa’t isa.

Nagawa na nga nila ito sa video shoot ng “Paubaya” noong 2020 at ipinakitang nag-usap sila bago naghiwalay nang tuluyan, kung baka ito ang closure nina Joshua at Julia.

Kaya nang tanungin namin ang JoshLia kung kaagad nilang tinanggap ang offer ng “Un/Happy For You” nu’ng i-pitch sa kanila ay sumagot sila kaagad ng ‘oo.’ At kung na-miss nila ang isa’t isa.

Baka Bet Mo: Hirit ni Joshua Garcia kay Julia Barretto: Kinuha mo virginity ko!

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Unang sumagot si Julia, “During the pandemic parang we were receiving the calls and setting meetings about it, originally iba ‘yung kuwento then years later pa-evolve nang pa-evolve na ‘yung material and I think it really boils down to the right time and the right script so, it’s a feeling naman when you know it’s time when the script is right for the two of us, so, I was of course right away.”

Say naman ni Joshua, “Actually, after Pabaya (video) nagka-offer na kami with Black Sheep (Productions) nu’ng una kaya lang hindi natuloy kasi parang hindi pa ‘yun ang tamang panahon para gawin, then after five years ito na ‘yung nangyari pag pitch sa amin ang daming ideas bigla may ganito, ganyan ang saya nu’ng moment na ‘yun that’s why nu’ng unang i-pitch nila sa akin, sabi ko, yeah, sige gawin natin ‘to masaya ;to, di ba (sabay tingin kay Julia na nakangiti).”

 

Sundot na tanong kung na-miss nila ang isa’t isa ay nagkatinginan sina Julia at Joshua at nakangiti at sabay sabing, “oo naman, of course.”

 

“Na-miss ko!  Na-miss ko yung eksena na naintindihan ang nararamdaman ko, may ganu’n, di ba?  At lumalabas ‘yun sa scene (eksena)” seryosong sabi ng aktor.

 

Dagdag pa, “na-miss ko ‘yung mga tawanan naming.  Hindi lang kami (ni Julia), lahat tayo (cast) di ba?”

 

“Oo sobra ang saya sa set.  Mga kasama naming sabi nila ‘hhhh” (muwestra ni Julia na tila may tinatago).”

 

Nagkatawanan ang lahat dahil tila may mga inside joke ang cast ng Un-Happy For You.

 

At tungkol sa kung ano ang ipinagpapasalamat at ihihingi nila ng kapatawaran sa isa’t isa ay medyo natameme ang JoshLia.

 

“Nagawa na naming ‘to dati, eh,” sambit ng aktres.

 

Sabi ni Josh, “thank you and sorry! (natawa si Julia).”

 

Nag-isip muna ang aktor sabay sabing, “ikaw Juls?”

 

Mahinang pinatutugtog ang soundtrack na Paubaya .

 

Biglang sinabayan ni Julia ang kanta, “ako ang kailangan (pero di ang mahal) ha, ha, ha sinabayn.  Bakit kayo ganito? Ginawa na namin ito dati, ehhh.”

 

Nagkatawanan ang ex-couple na naramdaman naming may slight na inalala nila ang kanilang nakaraan.

 

Sinalo ni Josh si Julia habang nakatitig, “ako na lang…thank you Julia for being open sa buong journey natin sa pelikula, sobrang thank you.

 

“Thank you kasi, alam kong hindi ako mag-isa do’n sa pelikula kasi pag may mga araw na down ako, ina-assure mo ako at nandoon ka para alalayan ako.

 

“Thank you generous ka sa acting na ibinibigay mo hindi ka madamot at wala akong dapat ika-sorry.”

 

Nagkunwang papahiran ni Julia ang left eye, “ha, ha, joke lang guys, relax ha, ha!  There’s no show for today.

 

“Napaka-genunine mo Josh, thank you because naramdaman ko sa buong time na sinu-shoot natin ‘tong buong pelikula na ‘to inalalayan mo talaga ako, kilala moa ko kapag medyo kinakabahan ako sa eksena pag medyo ‘yung energy ko nagbabago.

 

“Thank you because you’re always asking kung okay ako and you’re always finding ways to make sure na everything and everyone on the set okay kaming lahat. Hindi lang ako everyone iniisip mo sa set and

 

“And thank you because ikaw din naging open ka kung this idea if it’s is working together again and were crazy dong this.

 

“Thank you for being open, for so generous and honest to all of our scenes.

 

“Ang ‘yung sorry (nag-iisip ng matagal), mapapanood n;yo naman sa movie bakit siya (ako) nag-sorry. Okay na ‘yun kasi nagawa na naming ‘yun dati.,” nakangiting sabi ng aktres pero napansin naming tila pinigilan nito ang luha niys.

 

Anyway, excited ang lahat sa Un/Happy For You movie ng JoshLia at isa kami sa nagsulat dati na baka pang MMFF o Metro Manila Film Festival at tiyak na kikita ito dahil maraming naka-miss sa tambalang ito pagkalipas ng 5 years nilang paghihiwalay.

 

Obviously sa teaser trailer ng pelikula na umani ng 23 milyong views sa iba’t ibang digital platforms sa loob lamang ng walong araw mula nang ito ay i-upload online kaya talagang kinasasabikan na sina Juancho (Joshua) at Zy (Julia)

 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa direksyon ni Petersen Vargas at panulat nina Kookai Labayen, Crystal San Miguel, at Jen Chuaunsu, ang Un/Happy ay mapapanood na sa Agosto 14.

 

Dumalo sa mediacon ang ibang cast na sina Kaila Estrada, Meann Espinosa, Bianca de Vera, Bong Gonzales, and Aljon Mendoza.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending