Atasha Muhlach nabuntis nga ba ni Vico Sotto, how true?

Atasha Muhlach nabuntis nga ba ni Vico Sotto, how true?

Therese Arceo - August 01, 2024 - 11:13 PM

Atasha Muhlach nabuntis nga ba ni Vico Sotto, how true?

TRULILI kaya ang chikang kumakalat ngayon sa social media kung saan nabuntis daw umano ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang “Eat Bulaga” host na si Atasha Muhlach?

Isa kasi ito sa naging topic ng talent manager na si Ogie Diaz sa kanyang YouTube vlog na “Showbiz Update” kasama sina Mama Loi at Ate Mrena.

May mga vloggers raw kasi na nagkakalat sa social media ng chika na tila may nangyari kina Atasha at Vico at nabuntis na nga daw ng alkalde ang dalaga.

May mga kumakalat pa ngang chika na niregaluhan pa raw ng alkalde ng singsing ang anak nina Charlene at Aga pagkat handa raw itong pakasalan ito.

Baka Bet Mo: Payo ni Aga kina Andres at Atasha: Always be kind, just never judge

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Kaya naman personal raw na kinausap ni Ogie si Atasha upang malaman ang katotohanan patungkol sa mga kumakalat na chika.

Ayon sa dalaga, maging siya ay nagtataka kung saan nanggagaling ang tsismis sa pagitan nila ng anak ni Bossing Vic Sotto.

“Kinorner ko si Atasha. Sabi ko sa kanya, ‘Ano ‘yung balita sa inyo ni Vico Sotto?’ [Sagot niya], ‘yun nga Tito e. Nagtataka rin ako. Hindi ko alam ‘yun kasi unang-una hindi pa po kami nagkikita,” lahad ni Ogie.

Chika pa ng dalaga, tanging sina Danica at Oyo pa lang ang nami-meet niya sa mga anak ni Vic.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“So in other words, ‘yun pong mga pinapanood ninyo na kaagad-agad napaniwalaan ninyo, mga fake news po ‘yan. Dahil usong-uso po ‘yan sa YoTube, yung mga nag-iimbento ng mga balita… tapos wala naman silang mga sources. Tapos parang nagwi-wish pa sila ng bonggang-bongga sa dalawa (Atasha at Vico) e wala nga silang pinagkuhaan ng balita.

Nagbabala pa nga si Ogie na mag-ingat sa mga nagpapakalat ng fake news.

“Kaya wag po kayong masyadong nagpapaniwala [sa fake news]. Kami rito may mga resibo kaming binabalandra otherwise nakausap ko ‘yung artista… Kapag galing po dito ang balita, not necessarily paniniwalaan ninyo kundi pakikinggan n’yo lang. Nasa sa inyo na kung maniniwala kayo o magagalit kayo sa amin,” sey pa ni Ogie.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending