Aga kina Andres at Atasha: Always be kind, just never judge

Payo ni Aga kina Andres at Atasha: Always be kind, just never judge

Ervin Santiago - July 29, 2024 - 06:00 AM

Payo ni Aga kina Andres at Atasha: Always be kind, just never judge

Aga Muhlach, Atasha at Andres Muhlach

HINDI maiwasan ni Aga Muhlach na magpakatatay kina Atasha at Andres Muhlach kapag nasa taping ng kanilang sitcom na “Da Pers Family” sa TV5.

Napag-usapan daw kasi ni Aga at ng asawang si Charlene Gonzalez na iiwasan muna nilang maging magulang sa dalawang anak kapag nasa trabaho sila.

Nang tanggapin nila ang “Da Pers Family” ay nangako ang celebrity couple na tatratuhin nila ang isa’t isa bilang co-actors sa set, pero sey ni Aga hindi niya maiwasan na pairalin ang pagiging tatay kapag nasa taping na sila.

Baka Bet Mo: Atasha Muhlach 10 years old pa lang gusto nang mag-showbiz pero sinunod muna ang payo nina Aga at Charlene; gagawa ng pelikula, album sa Viva

“Mahirap iyon, ha. Kasi kailangan isipin ko ang sarili ko rin para sa kung anong gagawin ko. Kaya lang minsan, gaya sa bihis ko, basta kapag nakita ko na maganda na ang mga itsura nila, okay na ako.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Tapos ako, minsan, nakakalimutan ko na kung anong kulay dapat ang damit ko, mali-mali, parang ganu’n. Basta happy sila, basta okay na sila, okay na ako,” paliwanag ng premyadong aktor.

Ngunit nilinaw din ni Aga na hangga’t maaari kapag nasa bahay na sila ay hindi na nila pinag-uusapan ang kanilang mga trabaho.

“Wala kaming…’O, Andres, dapat ganito ang atake mo. O, Atasha ganito dapat. No, no. hindi naman, hindi naman. Pagdating sa pag-aartista talaga, parang sila na iyan, di ba? Kaya nila iyan.

“Kung magtatanong sila sa akin, magsasabi ako. Kung hindi sila magtatanong, normal lang kami sa bahay,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Aga payag maka-loveteam ni Atasha si Daniel: ‘Nothing personal’

Sa tanong kung anu-anong advice ang ibinigay niya kina Andres at Atasha nang pasukin na rin ng mga ito ang showbiz, “Basta ang sinasabi ko lang always, what’s really important sa industriya natin is pakikisama, pakikitungo sa tao.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


“Growing up, iyan ang sinasabi ko, ‘Always be kind, just be kind to everyone.’ Kasi it’s nice to just be nice to people.

“Kahit may mayabang kayong maka-engkuwentro, hindi mo lang alam, may pinagdadaanan iyon. Just never judge, you know,” pagbabahagi pa ng husband ni Charlene.

At kung may isang acting tip na ibinigay si Aga para sa anak na twins, “Pagdating naman sa pag-arte niyo, it’s all about confidence, really.”

Kasama rin sa “Da Pers Family” sina Bayani Agbayani, Ces Quesada, Heart Ryan, Chad Kinis, Kedebon Colim, Sam Coloson at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ito’y mula sa direksyon ni Danni Caparas, at napapanood tuwing Sunday, 7:15 p.m. sa TV5, with catch-up airings on Sari-Sari Channel, Mondays at 7 p.m..

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending