Andres Muhlach chinika ang ‘panliligaw tips’ ni Aga, ano-ano kaya ito?
TAWA nang tawa si Andres Muhlach nang tanungin siya kung binibigyan siya ng tip ng daddy niyang si Aga Muhlach pagdating sa panliligaw.
Alam naman ng lahat kung gaano ka-chick boy ang isang Aga Muhlach noong kabataan niya.
Nakausap namin ang baguhang aktor sa launching ng bagong sitcom ng TV5, ang “Da Pers Family” kamakailan na pagbibidahan ng pamilya Muhlach headed by Aga, Atasha and Charlene Gonzalez-Muhlach with Bayani Agbayani, Ces Quesada, Heart Ryan, Chad Kinis, Kedebon Colim, Sam Coloso, at Roderick Paulate mula sa direksyon ni Danny Caparas at sinulat ni Randy Reyes.
Sey niya, “Panliligaw, ha, ha, ha, ha. Siyempre naman kung tatanungin ko siya ng mga tips kasi alam n’yo naman Aga Muhlach.”
Nag-iisip muna si Andres kung ikukuwento niya ang usapan nilang mag-ama, “ay ‘wag na lang sabihin. If I have a date naman sabi lang ‘just be yourself, enjoy and have fun.”
Baka Bet Mo: Andres Muhlach inaming may crush sa showbiz pero ‘secret’ daw muna
Aware raw si Andres na heartthrob ang daddy niya noon at napag-uusapan ba nila ito.
“Yeah, kaya nga ito na ‘yung tatay ko kasi palagi niya sinasabi na, ‘Andres gawin mo ‘to, ganito…ganito, ‘tas parati kong sinasabi, ‘’tay gumagana lang ‘yan para sa ‘yo kasi Superstar ka, ha, ha, ha. Wala biro-biro lang, just a funny thing,” sagot ng binata.
Inamin din ni Andres na mas prayoridad niya ngayon ang work dahil kailangan dahil sa pananaw niya ay tapos na ang obligasyon ng magulang niya sa kanila ni Atasha ngayong tapos na silang mag-aral.
Willing to learn si Andres sa anumang bagay na ipapagawa sa kanya in terms of work na ito rin naman ang napansin ng mga kasama niya na seryoso nga siya sa kanyang trabaho.
Mapapanood na ang “Da Pers Family” tuwing Linggo, simula sa Hulyo 21 sa oras na 7:15 p.m. sa TV5. May catch-up airings din sa Sari-Sari Channel tuwing Lunes, 7 p.m.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.