Andres tinilian: Ganito pala feeling to be Aga Muhlach!

Andres tinilian sa The EDDYS: Ganito pala feeling to be Aga Muhlach!

Ervin Santiago |December 04,2023
facebook
share this

Andres tinilian sa The EDDYS: Ganito pala feeling to be Aga Muhlach!

Ervin Santiago - December 04, 2023 - 06:00 AM

Andres tinilian sa The EDDYS: Ganito pala 'yung feeling to be Aga Muhlach!

Aga Muhlach, Charlene Gonzales at Andres Muhlach

NAKAKALOKA ang sigawan at palakpakan ng audience nang makita si Andres Muhlach sa katatapos lang na 6th The EDDYS o Entertainment Editors’ Choice awards night.

Talagang tilian ang fans nang pumagitna na sa stage si Andres para tanggapin ang parangal ng amang si Aga Muhlach bilang isa sa The EDDYS Icon awardees ngayong taon.

Nasa Amerika kasi that time si Aga kasama ang kanyang butihing wifey na si Charlene Gonzales kaya ang anak na si Andres ang pinapunta niya sa Gabi ng Parangal nitong nagdaang Linggo, November 26.

At in fairness, hindi man nakarating si Aga, parang super present pa rin ang award-winning actor sa presence ni Andres na napakagwapo rin at masasabing heartthrob material talaga.

Mas lumakas pa ang tilian ng mga fans nang magsalita na ang binata sa stage para ibahagi ang inihandang speech ng kanyang ama para sa tatanggapin nitong parangal.

“Sorry my father is out of the country right now. But he sent me here to deliver a speech for him, and to accept this award, on his behalf,” ang pasakalye ni Andres.

Baka Bet Mo: Vice: Hindi ko talaga alam kung nakakatawa pa ‘ko o kung magaling pa ba ‘ko!?

Habang kinukuha sa kanyang bulsa ang kanyang kodigo na naglalaman ng speech ng kanyang tatay, biglang nag-dialogue ni Andres ng “Ganito pala ‘yung feeling, to be Aga Muhlach!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andres Muhlach (@aagupy)


Kaya naman muling nagsigawan at nagpalakpakan ang nasa loob ng Aliw Theater kung saan nga ginanap ang ikaanim na edisyon ng The EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors o SPEEd.

Baka Bet Mo: Angelica biglang naiyak habang inaayos ang nursery ng first baby: Ganito pala ang pakiramdam ng kumpleto ka…

Samantala, sa panayam ng ilang press people kay Andres, natanong ang binata kung totoo ang chika na makakasama na niya ang kakambal na si Atasha sa “Eat Bulaga” ng GMA 7.

“We’ll see. Only time will tell,” matipid niyang sagot.

Naniniwala kami na kapag pinasok na rin ni Andres ang showbiz, siguradong magiging instant matinee idol din siya tulad ng kanyang ama.

Sa ngayon, modeling, basketball at commercials ang kanyang pinagkakaabalahan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Inamin din ng binata na never pa siyang nagka-girlfriend kahit 21 years old na siya. Mas nagpo-focus daw muna siya sa kanyang pag-aaral.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending