Angelica biglang naiyak habang inaayos ang nursery ng first baby: Ganito pala ang pakiramdam ng kumpleto ka... | Bandera

Angelica biglang naiyak habang inaayos ang nursery ng first baby: Ganito pala ang pakiramdam ng kumpleto ka…

Ervin Santiago |July 13,2022
facebook
share this

Angelica biglang naiyak habang inaayos ang nursery ng first baby: Ganito pala ang pakiramdam ng kumpleto ka…

Ervin Santiago - July 13, 2022 - 09:57 AM

“GANITO pala ‘yung pagmamahal ng ina.” 

Ganyan inilarawan ng Kapamilya actress na si Angelica Panganiban ang nararamdaman habang papalapit na ang araw ng kanyang panganganak.

Hindi napigilan ni Angelica ang maging emosyonal at maiyak habang inaayos ang magiging nursery ng first baby nila ni Gregg Homan.

Sa kanyang Instagram page, nag-post si Angelica ng madamdaming mensahe hinggil sa kanyang pregnancy journey kalakip ang ilan niyang latest photos.

“Habang nakaupo sa binubuong nursery… bigla na lang akong naiyak.. napaka-overwhelming ng lahat ng ito,” ang simulang caption ni Angelica sa kanyang IG pictures.

“Ganito pala ang pakiramdam ng makumpleto ka. Kahit mahirap, kahit nakakapagod, kahit nakakatakot, hindi ka pala magdadalawang isip magbigay lang ng magbigay,” sey pa ng aktres.

Hindi pa man niya isinisilang ang panganay na anak, sobra-sobrang kaligayahan na raw ang nararamdaman niya.

“Ang sarap makaramdam ng purong pagmamahal. Ganito pala ‘yung pagmamahal ng ina,” sabi pa ng future mommy.

Noong March 20 ibinandera nina Angelica at Gregg sa madlang pipol na magiging parents na sila after trying na makabuo mula nang maging official couple sila.

View this post on Instagram

A post shared by Angelica Panganiban (@iamangelicap)


“Nalaman ko siya sa hindi namin ini-expect na pagkakataon. Nalaman ko siya sa trabaho. Mag-i-start na ako ng lock-in para sa My Papa Pi, kasama si Papa Pi (Piolo Pascual). And then delayed lang talaga ‘yung period ko.

“So kailangan ko lang talaga mag-rule out, hindi na ako mapakali. Ayon kay Google ‘yun na lang ang hindi ko chini-check. So sa isip-isip ko naman parang imposible kasi we’ve been trying kaya lang lagi namang negative ‘yung result. 

“So parang ayaw ko na ma-heartbroken. So parang ‘hindi feeling ko darating ‘yung period ko.’

“Siyempre tinawagan ko ‘yung doctor and ‘yung Star Magic na anong gagawin ko, nasa trabaho ako, nagpapanic ako.

“Sobrang thankful ko dahil hindi nila ako pinahirapan, walang pagpilit na mag-stay pa ako, i-try ko, tapusin ko ‘yung isang season. Wala, walang ganoon. 

“Talagang inintindi nila ako. Open arms nilang tinanggap ‘yung good news. Lahat sila tumawag, lahat sila nag-text nagko-congratulate sila, sobrang supportive nila,” pahayag ni Angelica sa isang panayam.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isang taon na ring magdyowa ang dalawa. They just celebrated their first anniversary last July.

Claudine: Si Marjorie at ako, we were civil naman…wala nang gulo at may peace na

Jolina nasusungitan ang pamilya dahil sa anxiety: Pakiramdam ko balewala lahat ng efforts ko

Andi inaatake rin ng takot bilang nanay, pero hinahayaan lang matuto ang mga anak

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending