Anak nina Aga at Charlene na si Andres Muhlach hindi isinasara ang pinto para sa showbiz, hiyang-hiya sa tawag na 'Crush ng Bayan' | Bandera

Anak nina Aga at Charlene na si Andres Muhlach hindi isinasara ang pinto para sa showbiz, hiyang-hiya sa tawag na ‘Crush ng Bayan’

Ervin Santiago - September 17, 2023 - 07:40 AM

Anak nina Aga at Charlene na si Andres Muhlach hindi isinasara ang pinto para sa showbiz, hiyang-hiya sa tawag na 'Crush ng Bayan'

Charlene Gonzales, Aga Muhlach, Atasha at Andres Muhlach

HINDI pa masagot nang diretso ng anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales na si Andres kung papasukin din niya ang mundo ng showbiz.

Ang kakambal niyang si Atasha Muhlach ay handang-handa na sa challenges na kanyang haharapin sa pagpasok sa mundo ng showbiz matapos pumirma ng kontrata sa Viva Artists Agency.

Sa huling araw ng wake ng talent manager at veteran entertainment columnist na si Manay Ethel Ramos last September 13, Miyerkules, sa Nacional Chapels & Crematory, G. Araneta Avenue, Quezon City, natanong si Andres kung kailan naman siya sasabak sa pag-aartista.

“E, siyempre iniisip ko pa, e. So, kung may possibilities, may options, that’s it. That’s all I can say,” sey ng binata.

“We’ll see if the opportunity is there na, why not, di ba? Pero I’m still thinking about the options and opportunities, so we’ll see,” sey pa ni Andres na siguradong magiging instant heartthrob kapag pinasok na ang showbiz.

Baka Bet Mo: Aga Muhlach, Charlene Gonzales ibinahagi ang sikreto sa matagal na relasyon: Find the goodness in that person you meet

Sa ngayon ay desididong makatapos si Andres ng college. Isang taon na lang at matatapos na niya ang kursong Business and Communication sa isang university sa Spain.

Hindi na niya kailangan pang bumalik sa Spain dahil puro online classes na lang sila kaya hindi na niya kailangang umalis ng Pilipinas at mapalayo sa kanyang pamilya.

Natanong din si Andres kung ano ang masasabi niya na kahit hindi pa siya sumasabak sa showbiz ay tinatawag na siyang Crush ng Bayan.

“Well, you know, first I appreciate the love. I appreciate the love a lot. Thank you, that’s a lot of love. But, I don’t know. I got that from my dad, I guess, and my mom,” napapailing na sagot ni Andres.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Andres Muhlach (@aagupy)


In fairness, mababait at magagalang ang kambal nina Aga at Charlene. Mararamdaman mo ang sinseridad nila sa pakikipag-usap sa press people, ibig sabihin napalaki talaga nang maayos ang mga anak.

Ayon naman kay Andres, tungkol sa pagiging anak ng showbiz royalty sa showbiz, “Honestly it feels normal lang. I never really saw them na showbiz talaga. I just saw them as my parents.

“That’s really how it was. I grew up normally lang. We grew up in Batangas, probinsiya, you know. We just grew up playing outdoors a lot outside.

“Away from technology. Growing up, I got my cellphone… end of Grade 9. First year high school. So I grew up playing sports, you know, playing outside. Biking. Hiking, doing things like that, yan lang,” chika pa ni Andres.

Mark Leviste binati si Bimb sa ika-16th birthday nito: It’s been a joy watching you grow up

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Andi nagiging sentimental sa mga pagbabagong nangyayari sa buhay ni Ellie

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending