Mark Leviste binati si Bimb sa ika-16th birthday nito: It's been a joy watching you grow up | Bandera

Mark Leviste binati si Bimb sa ika-16th birthday nito: It’s been a joy watching you grow up

Therese Arceo |April 21,2023
facebook
share this

Mark Leviste binati si Bimb sa ika-16th birthday nito: It’s been a joy watching you grow up

Therese Arceo - April 21, 2023 - 04:24 PM

Mark Leviste binati si Bimb sa ika-16th birthday nito: It's been a joy watching you grow up

HINDI nakalimutang batiin ni Batangas Vice Governor Mark Leviste ang bunsong anak ni Kris Aquino na si Bimb.

Nitong Miyerkules, April 19, nag-celebrate ng ika-16th birthday si Bimb o si James Carlos Aquino Jr. na kasalukuyang nasa Amerika pa rin kasama ang kanyang ina.

Sa kanyang Facebook account ay ibinandera ni Mark ang mga larawan nilang magkakasama kalakip ang pagbati sa binata.

Aniya, isang kaligayahan raw para sa kanya ang makita at masubaybayan ang paglaki ng bunsong anak ng Queen of All Media.

“Happy Sweet 16, Bimb! From a wonderful baby to an amazing young man you have turned out to be…it’s been a joy watching you grow up – keep it up!” saad ni Vice Governor Mark.

[FB embed]

Baka Bet Mo: Kris Aquino grateful kay Mark Leviste, pangako sa mga Batangueño: Hindi ko na po sya gagambalain para yung FOCUS nya inyong inyo

Marami naman ang nagkomento sa kanyang post upang batiin si Bimb at magpaabot na rin ng dasal para sa ina nitong kasalukuyang nagpapagamot.

Kamakailan lang ay naging laman ng usap-usapan si Mark matapos makiusap si Kris na sana’y iwasan na nito ang magkomento sa kanyang mga posts.

Bagamat na-aappreciate raw nito ang kanyang presence lalo na sa mga panahon na talagang hirap siya at kinakailangan niya ng masasandalan ay naiintindihan nito ang tungkulin ng bise gobernador sa publiko.

“Parati kong pinaaalala sa kay VG Marc (yun yung correct spelling) his responsibilities in Batangas di hamak mas mahalaga kumpara sa ‘kin dahil pinagkatiwalaan nyo sya ng inyong boto.

“I grew up knowing: public service is a PRIVILEGE & it’s an accepted reality, serving the people whether binoto ka o hindi, that’s more important than any friendship or romantic relationship,” saad ni Kris.

Ngunit kahit na magkalayo na ang dalawa ay ipinararamdam pa rin ni Mark ang kanyang pagmamahal at suporta sa mag-iina gaya na lang ng hindi nito pagkalimot sa kaarawan ni Bimb.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Joshua, Bimby lumipad na patungong Amerika, Kris nagpaiwan muna… bakit kaya?

Kris Aquino nilinaw ang tunay na ‘score’ sa kanila ni Mark Leviste

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending