Sofia Andres emosyonal habang nakatitig sa anak na si Zoe: 'You can make more money, but you can't make more time' | Bandera

Sofia Andres emosyonal habang nakatitig sa anak na si Zoe: ‘You can make more money, but you can’t make more time’

Ervin Santiago |May 30,2023
facebook
share this

Sofia Andres emosyonal habang nakatitig sa anak na si Zoe: ‘You can make more money, but you can’t make more time’

Ervin Santiago - May 30, 2023 - 07:59 AM

Sofia Andres emosyonal habang nakatitig sa anak na si Zoe: 'You can make more money, but you can't make more time'

Sofia Andres, Daniel Miranda at Zoe Miranda

TULAD ng karamihan sa mga nanay, nagiging emosyonal ngayon ang Kapamilya actress na Sofia Andres habang tinitingnan at tinititigan ang kanyang anak na si Zoe.

Nabibilisan din si Sofia sa takbo ng panahon ngayon dahil parang kailan lang ay beybing-beybi pa nga ang panganay na anak nila ng kanyang partner na si Daniel Miranda.

Dahil dito, mas naniniwala na ngayon ang celebrity mom na ang pinakamahalaga pa rin ay ang makasama ang mga mahal natin sa buhay at ang paglalaan ng quality time para sa pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)


Sa pamamagitan ng Instagram, naglabas ng kanyang feelings si Sofia tungkol sa kanyang anak, “Nothing grand just staring at my not so little Natalia and trying not to blink.

“Time is your most precious gift. You can make more money, but you can’t make more time,” aniya pa.

Baka Bet Mo: Zoren: Gusto kong makita ng mga tao na mas nagiging juicy ako, yung nagiging sariwa nang pasariwa

Ibinahagi rin ng aktres ang kanyang paniniwala sa kahalagahan ng oras at ang ilang natutunan niyang life lessons sa murang edad.

“I’m comfortable eating alone and just taking my time. Enjoying things first all on my own. And I make sure that I spend my energy with someone I know that it’s worth it.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by SOFIA (@iamsofiaandres)


“When you give someone your time, I’m giving them a portion of my life that I’ll never get back.

“Your time is your life. That is why the greatest gift you can give someone is your time,” pahayag pa ni Sofia.

Ayon pa sa aktres, ang ilan sa mahahalagang factor para mas maging matatag at solid ang isang relasyon ay ang “time and effort” ng bawat magdyowa.

“We can’t just say relationships are important cos we invest in them. relationships take time and effort, and the best way to spell love is TIME,” pagbabahagi pa ni Sofia Andres.

Dimples emosyonal nang mabasa ang sulat ng anak na naka-graduate na sa high school

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sofia sa paulit-ulit na tanong kung kailan sila pakakasal ni Daniel: ‘Don’t worry, I know that the time will come, I trust God’s plans for us’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending